BREAKING NEWS

Bela Padilla sa bagong love life: Baka ma-jinx, wag muna guys! 

Bela Padilla sa bagong love life: Baka ma-jinx, wag muna guys! 
Bela Padilla at Carlo Aquino

MUKHANG may bago nang dyowa ang Kapamilya actress na si Bela Padilla after nilang maghiwalay ng ex-boyfriend na si Norman Bay last year.

Sa mediacon ng pelikulang "A Special Memory", ang reunion movie nila ni Carlo Aquino under Viva Films, natanong ang aktres about her relationship status.

Ito'y dahil na rin sa ipinost niyang bouquet of flowers sa kanyang Instagram page nitong nagdaang Valentine's Day kung saan sinabihan siya ng nagpadala na madali raw siyang mahalin.

Sey ni Bela, "It is too early to tell. Starting stages. baka ma-jinx. Wag muna, guys. I am just enjoying my life lang din muna."

Inamin naman ng dalaga na ready na uli siyang pumasok sa seryosong relasyon pero hindi naman daw siya nagmamadali.

"I think so, matagal na rin, more than a year na akong single. Kung meron, meron," sey ni Bela.

Samantala, muli ngang "mananakit" si Bela sa pelikulang "A Special Memory," ang Filipino adaptation ng Japanese drama "Pure Soul," kung saan makakatambal niya sa ikalawang pagkakataon si Carlo Aquino.

Maaaring kumupas ang mga aalala, pero ang tunay na pag-ibig, hindi nakakalimot, ito ang uri ng pagmamahal na isasabuhay sa "A Special Memory."

Ngayong 2026, inihahandog ng Viva Films ang romance-drama na ito mula sa blockbuster director na si Jerry Lopez Sineneng at sa screenplay ng Pambansang Alagad ng Sining Ricky Lee.

Ito ay isang kwento kung paano nanatili ang pagmamahal sa kabila ng mga pagsubok sa buhay.

Bibida si Bela bilang Sandra, isang fashion designer na pilit kinakalimutan ang heartbreak mula sa kanyang nakaraang relasyon. 

Habang sinusubukan niyang muling buuin ang kanyang buhay, makikilala niya si Dindo, na ginagampanan ni Carlo, isang construction foreman sa kumpanya ng kanyang pamilya.

Mula sa isang simpleng koneksyon, unti-unting mabubuo ang pag-iibigan nina Sandra at Dindo at magdedesisyon silang magsama sa iisang bahay. 

Ngunit, susubukin sila ng tadhana nang matuklasan ni Sandra na siya ay may early onset-Alzheimer's disease. Dahil sa takot na maging pabigat, lalayo si Sandra at ipapasok ang sarili sa isang nursing home. 

Nasaktan man sa naging desisyon ni Sandra ay igagalang ito ni Dindo. Mananatiling matatag ang pag-ibig niya para sa minamahal. Bibisitahin niya si Sandra at paulit-ulit na ipapakilala ang sarili sa pag-asang kahit saglit ay muli siya nitong maaalala.

Panoorin ang pag-ibig na patuloy na kumakapit sa kabila ng kumukupas na alaala, at ituturo sa atin na ang pagmamahal na wagas ay hindi kailanman mawawala sa puso. 

Mula sa kanilang unang pagsasama sa "Meet Me in St. Gallen" (2018), muling magtatambal sina Bela at Carlo sa "A Special Memory," kung saan mararamdaman muli ng mga manonood ang kanilang minahal na magic at chemistry. 

Makakasama rin nina Bela at Carlo sa movie sina Lotlot de Leon, Joel Torre, Yayo Aguila, Jaime Fabregas, Phoebe Walker, at Paolo Gumabao.

Palabas na sa mga sinehan ang "S Special Memory" sa buong bansa simula March 11, 2026.  

The post Bela Padilla sa bagong love life: Baka ma-jinx, wag muna guys!  appeared first on Bandera.


Bela Padilla sa bagong love life: Baka ma-jinx, wag muna guys!  Bela Padilla sa bagong love life: Baka ma-jinx, wag muna guys!  Reviewed by pinoyako on February 22, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close