BREAKING NEWS

Boobay sa pag-atake uli ng absence seizure: Nagpasaway na naman ako

Boobay sa pag-atake uli ng absence seizure: Nagpasaway na naman ako
Boobay at Super Tekla

AMINADO ang Kapuso TV host-comedian na si Boobay na kasalanan din niya kung bakit nahimatay na naman siya habang nagpe-perform.

Nangyari ang muling pag-atake ng absence seizure ng komedyante habang nasa stage para sa dinaluhang event sa Bansud, Oriental Mindoro nitong nagdaang January kasama si Super Tekla.

Ayon kay Boobay, okay na raw siya ngayon at under control na ang kanyang kondisyon basta sundin lamang niya ang tamang pag-inom ng gamot at regular na pagpapatingin sa doktor.

"Okay naman na, okay na. Siguro nagpasaway na naman ako at that time talaga. Tumuhog na naman ako," ang pahayag ni Boobay sa panayam ng "24 Oras."

Kuwento ng komedyante, una siyang dumalo sa isang fiesta sa Tondo bago bumiyahe papuntang Oriental Mindoro kung saan sila naimbitahan ni Tekla para mag-perform.

"Bago 'yun hindi ko kasi in-expect din na ganoon kalayo pala 'yung pupuntahan namin ni Tekla. 

"Before ako nag-show doon, galing muna ako ng Tondo sa fiesta doon. Dumiretso na ako agad-agad ng pa-Batangas," aniya.

Sabi naman ni Tekla, talagang grabe ang naramdaman niyang kaba sa nangyari kay Boobay pero sa kabila nito, kailangan niyang ipagpatuloy ang pagtatanghal.

"Diyos ko, nangangatog ako. Siyempre 'yung ano, paano mo i-explain?" sey ni Tekla.

Nagpasalamat naman si Boobay sa kanyang kaibigan pagkatapos ng insidente, "Doon ko na-appreciate si Tekla, ang galing niya, ha! Partner talaga siya."

Sey naman ni Tekla, "Doon mo masasabi na the show must go on. On that moment biglang… 'di mo alam, so kailangan may instant ka dun na back up.

"Tapos 'yung mga tao nakatulala sila, akala nila prank lang," dugtong ni Super Tekla.

"Pagka-pull out sa akin sa stage, sinalo agad ni Tekla kaya nakabalik ako na ganoon pa rin kataas 'yung energy," sey ni Boobay.

The post Boobay sa pag-atake uli ng absence seizure: Nagpasaway na naman ako appeared first on Bandera.


Boobay sa pag-atake uli ng absence seizure: Nagpasaway na naman ako Boobay sa pag-atake uli ng absence seizure: Nagpasaway na naman ako Reviewed by pinoyako on February 22, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close