BREAKING NEWS

Aiko Melendez iboboto si VP Sara sa 2028: Hindi ko ito ikinahihiya! 

Aiko Melendez iboboto si VP Sara sa 2028: Hindi ko ito ikinahihiya! 
Sara Duterte at Aiko Melendez

NGAYON pa lang ay nagpahayag na ang actress-politician na si Aiko Melendez ng kanyang suporta sa pagtakbong pangulo ni Vice President Sara Duterte sa 2028.

Maninindigan daw ang konsehal ng Quezon City sa kanyang paniniwala na kayang-kaya ni VP Sara na pamunuan ang gobyerno ng Pilipinas.

Matapang na ibinandera ng aktres sa publiko sa pamamagitan ng social media ang all-outsl support niya sa kandidatura ni VP Sara sa Eleksyon 2028.

Knows daw niya na makakatikim na naman siya ng kaliwa't kanang batikos mula sa mga kalaban ng pamilya Duterte pero hindi raw ito sapat na dahilan para manahimik siya.

Mababasa sa post ni Aiko sa Facebook, "Inday Sara Duterte for President 2028." 

"Alam ko, babanatan na naman ako dahil simula't sapul, malinaw na kung saan ako nakatayo. Maka-Duterte po ako. At hindi ko ito ikinahihiya.

"Tahimik akong nagtratrabaho. Hindi ako naninira. Hindi ako nakikisawsaw sa personalan o panlalait ng mga kalaban. 

"Para sa akin, hindi ingay at galit ang sukatan ng liderato kundi gawa, prinsipyo, at paninindigan," saad ng aktres at public servant.

Kasunod nito, inisa-isa ng konsehala ang kanyang mga dahilan kung bakit si VP Sara ang nais niyang maging na pangulo ng bansa sa 2028.

"Ang batayan ko kung bakit si Sara Duterte ang aking presidente: Trabaho, hindi puro salita, tapang, hindi palusot, disiplina, hindi pa-impress, at higit sa lahat, takot sa Diyos.

"Naniniwala ako na kapag ang isang lider ay may malinaw na prinsipyo, may malasakit sa bayan, at may pananagutan sa Diyos, doon nagmumula ang tunay na serbisyo. 

"Hindi perpekto ang kahit sino, pero ang mahalaga ay totoo, matatag, at handang manindigan kahit hindi popular.

"Hindi ito tungkol sa kulay o pangalan. Ito ay tungkol sa direksyon ng bansa. At sa direksyong iyon, malinaw sa akin kung sino ang pinaniniwalaan ko. Sara Duterte for President 2028. Paninindigan. Serbisyo. Pananampalataya," ang buong pahayag ni Aiko 

The post Aiko Melendez iboboto si VP Sara sa 2028: Hindi ko ito ikinahihiya!  appeared first on Bandera.


Aiko Melendez iboboto si VP Sara sa 2028: Hindi ko ito ikinahihiya!  Aiko Melendez iboboto si VP Sara sa 2028: Hindi ko ito ikinahihiya!  Reviewed by pinoyako on February 22, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close