BREAKING NEWS

Kilalang aktres pa-booking pa rin sa mayayamang customer kahit pamilyado na

Kilalang aktres pa-booking pa rin sa mayayamang customer kahit pamilyado na
Guess, guess who!?

NAKAKALOKA! Hanggang ngayon pala ay hindi pa rin nagre-retire ang isang kilalang aktres sa pagpapa-booking sa mayayamang kliyente.

Ang buong akala kasi namin ay matagal nang tumigil ang award-winning actress sa pagbebenta ng kanyang katawan sa mga lalaking kayang magbayad nang malaki kapalit ng panandaliang kaligayahan.

Pero hindi pa pala siya nagreretiro sa kanyang karaketan at ayon nga sa ating source, tila nag-eenjoy pa rin si aktres sa naturang "negosyo" kaya naman go pa rin siya nang go.

In fairness naman kasi kay aktres, habang nagkakaedad siya ay parang mas lalo pa siyang gumaganda at sumeseksi. 

Sariwang-sariwa pa rin ang awrahan niya ngayon kaya hindi na nakapagtataka kung marami pa rin ang nahuhumaling sa kanya at gusto siyang matikman.

Pero ang plot twist dito, may asawa't anak na ngayon ang bida sa ating blind item at mukhang happy naman ang kanyang married life.

Kaya naman ang tanong knows kaya ng family niya na rumaraket pa rin siya nang bonggang-bongga until now!?

Matagal nang naiisyu kay aktres ang pagiging escort girl at ang pagpatol sa mga rich businessman and ilang kilalang personalidad mula sa iba't ibang larangan kapalit ng malaking halaga.

Sabi nga ng mga nakakakilala talaga sa kanya mula nang umentra siya sa showbiz, bata pa lang ay maaga nang natuto sa buhay si aktres kaya naman gumanda talaga ang takbo ng kanyang life.

Yumaman siya nang bonggang-bongga at nakapagpundar ng mga ari-arian at nakapagpatayo ng ilang negosyo. 

Pero in fairness uli, marami rin siyang natutulungang mga nangangailangan, lalo na sa kanyang pamilya at sa mga kasamahan niya sa industriya ng showbiz. 

Gets n'yo na ba kung sino siya? Wala munang clue. Ha-hahahaha! Pero siguradong may mga makakahula riyan, kayo pa ba!?  

The post Kilalang aktres pa-booking pa rin sa mayayamang customer kahit pamilyado na appeared first on Bandera.


Kilalang aktres pa-booking pa rin sa mayayamang customer kahit pamilyado na Kilalang aktres pa-booking pa rin sa mayayamang customer kahit pamilyado na Reviewed by pinoyako on February 22, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close