BREAKING NEWS

Tuesday Vargas nanawagan para kay Alvin: Kailangan niya ng professional help

Tuesday Vargas nanawagan para kay Alvin: Kailangan niya ng professional help
Tuesday Vargas at Alvin Aragon

NAIINTINDIHAN ng komedyanang si Tuesday Vargas kung saan nanggagaling ang panghuhusga ni Alvin Aragon laban sa LGBTQIA+ community at SexBomb Girls. 

Kaya naman nananawagan ang singer-comedienne sa mga bumabatikos sa asawa ng nag-resign na member ng SexBomb na si Izzy Trazona, na unawain na lamang ito.

"Simple lang naman 'yong punto. Halatang-halatang unstable siya. Kailangan niya ng professional help. Kailangan niya ng understanding natin, ng kindness natin," ang simulang panawagan ni Tuesday sa kanyang Facebook post.

Pagpapatuloy niya, "Kasi he has admitted he went through childhood trauma.

"May pinagdaanan si Kuya kaya gano'n 'yong worldview niya; gano'n na lang siya kabilis manghusga.

"Saka mayro'n siyang ine-exhibit na form of control in everything he says. Hypervigilant din siya so mayro'n siyang trust issues because of the trauma that happened to him," ang punto pa ng komedyana.

Umapela rin si Tuesday sa madlang pipol na irespeto ang paniniwala ng pamilya nina Alvin at Izzy, "Wag nating komentuhan 'yon. 'Yong masasama niyang nasabi, that's also part of his unhealed version that he needs to work on.

"Valid na nagagalit tayo, may mga reaksiyon tayo sa hindi magandang sinabi…pero we're becoming the very thing that we hate," sabi pa ng aktres.

Hanggang ngayon ay patuloy na binabatikos si Alvin matapos husgahan ang mga miyembro ng LGBTQIA+ community at sabihing itatapon ng Diyos sa impiyerno ang kanilang mga kaluluwa.

Hindi rin daw kaaya-aya sa mata ni Lord ang uri ng pagsasayaw at style ng pananamit ng SexBomb Girls kaya nag-resign ang misis niyang si Izzy sa grupo.

The post Tuesday Vargas nanawagan para kay Alvin: Kailangan niya ng professional help appeared first on Bandera.


Tuesday Vargas nanawagan para kay Alvin: Kailangan niya ng professional help Tuesday Vargas nanawagan para kay Alvin: Kailangan niya ng professional help Reviewed by pinoyako on February 22, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close