BREAKING NEWS

Mark Bautista matagal nang walang dyowa, pero umaming nakikipag-date  

Mark Bautista matagal nang walang dyowa, pero umaming nakikipag-date  
Mark Bautista at Christian Bautista

SINGLE na single ngayon ang Kapuso singer-actor na si Mark Bautista pero "ready to mingle" naman daw ang peg niya.

Nag-open up si Mark about his personal life nang humarap sa ilang members ng entertainment media last February 19, para sa concert nila together ni Christian Bautista, ang "Bautista X Bautista".

Naungkat ang tungkol sa love life ng singer nang sabihin ni Christian na ang wish niya para sa kaibigan ay makahanap na sana ito ng partner in life na makakasama nito habangbuhay.

Kaya naman natanong ng BANDERA si Mark kung bukas ba ang puso niya na magkaroon ng karelasyon ngayong 2026 bilang katuparan sa wish sa kanya ni Christian. 

"Now I am meeting people. Sabi ko nga sa last interview ko na kahit connected kayo, tapos hindi pa kayo nagko-commit, parang magpi-fade na lang 'yung attraction or something. 

"So parang nawawala but at this point, sinabi ko na ito, my heart is in a happy place. Kahit single," ang sagot ni Mark.

Sundot naming tanog, kung ilang taon na siyang single, "Matagal din. Years. Sa panahon ngayon every time magbi-birthday ako, parang kailangan na (ng partner)." 

Inamin din ng Kapuso singer na ang huling relasyon niya ay tumagal lamang ng isang taon, "Matagal na 'yung last. I had a relationship for one year tapos biglang nawala na lang. Naka-move on naman ako ng maayos."

Samantala, siniguro nina Mark at Christian na sulit na sulit ang ibabayad ng mga manonood sa "Bautista X Bautista"  na magaganap sa March 6, 8 p.m. sa New Frontier Theater, Quezon City.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkakaroon ng major concert ang magkaibigan with some special guests na malapit din sa kanila.

Ayon kina Mark at Christian, gagawin nilang super unforgettable ang experience ng lahat ng manonood ng "Bautista X Bautista" dahil marami silang inihandang pasabog at sorpres sa fans.

Ito'y mula sa direksyon ni Paolo Valenciano. Para sa mga tiket, call lang kayo sa 0995-7365768 o mag-log on sa ticketnet.com.ph.

The post Mark Bautista matagal nang walang dyowa, pero umaming nakikipag-date   appeared first on Bandera.


Mark Bautista matagal nang walang dyowa, pero umaming nakikipag-date   Mark Bautista matagal nang walang dyowa, pero umaming nakikipag-date   Reviewed by pinoyako on February 22, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close