BREAKING NEWS

Holy Week 2026 sa Pinas ‘overall, generally peaceful’ – PNP

Holy Week 2026 sa Pinas 'overall, generally peaceful' – PNP

SA kabuuan ng paggunita ng Semana Santa sa bansa, naging mapayapa raw ito ayon sa pagtaya ng Philippine National Police (PNP).

Sa naganap press briefing ni PNP Chief Joe Melencio Nartatez Jr., ngayong araw, April 6, wala raw silang naitalang major incidents sa kasagsagan ng Semana Santa.

"Overall, Holy Week was generally peaceful across the country with no major incidents reported," ang paniniyak ng hepe ng PNP.

Base sa record, umabot sa 98,000 ang nai-deploy na miyembro ng PNP sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas sa loob ng mahigit isang linggong operasyon ng pwersa ng kapulisan.

Noong Biyernes Santos, April 3, nakapagtala ang PNP ng isang shooting incident na kinasangkutan ng dalawang miyembro ng kapulisan at isang personnel ng Bureau of Corrections (BuCor) sa Puerto Princesa City, Palawan.

Nasa kustodiya na ng mga otoridad  ang apat na opisyal na sinasabing sangkot sa nasabing krimen.

Kasunod nito, siniguro rin ng PNP na tuluy-tuloy pa rin ang operasyon ng kanilang hanay sa pagpasok naman ng summer 2026.

"As the Holy Week ends, the summer season begins and many more of our kababayans will be travelling. That's why our security operations continue," ani Nartatez.

Tuloy din ang pagpapaigting ng PNP sa kanilang presensya sa iba't ibang lugar sa Pilipinas na maaaring dagsain ng mga local and foreign tourists.

"We will keep maximum police visibility. Continue our regular patrols and ensure a strong presence in key areas such as tourist destinations, major roads, public spaces in partnership with local government units," saad pa ng opisyal.

The post Holy Week 2026 sa Pinas 'overall, generally peaceful' – PNP appeared first on Bandera.


Holy Week 2026 sa Pinas ‘overall, generally peaceful’ – PNP Holy Week 2026 sa Pinas ‘overall, generally peaceful’ – PNP Reviewed by pinoyako on April 05, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close