BREAKING NEWS

PNP sa nagkakalat ng fake news sa energy crisis: ‘Sasampahan ng kaso’

PNP sa nagkakalat ng fake news sa energy crisis: 'Sasampahan ng kaso'
PHOTO: Facebook/Philippine National Police

TUTUTUKAN at pananagutin ng Philippine National Police (PNP) ang mga nagkakalat ng pekeng balita kaugnay ng kasalukuyang energy crisis.

Ito ay ayon mismo sa isang pahayag ni PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ngayong Lunes, April 6.

"We will pursue and file cases against whoever are behind the spreading of false information," sey niya.

Dagdag pa niya, "The situation in the Middle East is a serious matter and any attempt to exploit it to trigger unwarranted panic among our kababayan must be addressed and dealt with. We will not allow this."

Baka Bet Mo: Holy Week 2026 sa Pinas 'overall, generally peaceful' – PNP

Iniutos na rin ng PNP chief sa Anti-Cybercrime Group ang mas mahigpit na pagbabantay sa mga online pages at social media accounts na diumano'y ginagamit sa pagpapakalat ng disinformation.

Ayon pa sa kanya, inatasan din ang mga lokal na pulis na mag-"counter fake news" para maiwasan ang paglaganap ng maling impormasyon sa internet.

Ang hakbang ng PNP ay kasunod ng paalala ng Presidential Communications Office (PCO) noong Linggo, April 5, na haharap sa batas ang mga nambabatikos at nagpapakalat ng fake news, lalo na 'yung nagsasabing mag-i-impose ng lockdown ang gobyerno dahil sa energy crisis.

Binanggit ng PCO ang Article 154 ng Revised Penal Code tungkol sa "unlawful use of means of publication and unlawful utterances" pati na rin ang Republic Act No. 10175 o ang Cybercrime Prevention Act.

The post PNP sa nagkakalat ng fake news sa energy crisis: 'Sasampahan ng kaso' appeared first on Bandera.


PNP sa nagkakalat ng fake news sa energy crisis: ‘Sasampahan ng kaso’ PNP sa nagkakalat ng fake news sa energy crisis: ‘Sasampahan ng kaso’ Reviewed by pinoyako on April 05, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close