BREAKING NEWS

Gilas Women inungusan ang Japan, pasok sa kauna-unahang FIBA 3×3 final

Gilas Women inungusan ang Japan, pasok sa kauna-unahang FIBA 3x3 final
PHOTO: Screengrab from Facebook/Tiebreaker Times

FOR the first time, pasok sa finals ng FIBA 3×3 Asia Cup ang Gilas Pilipinas Women matapos talunin ang Japan!

Nangyari ang unforgettable moment nitong Easter Sunday, April 5, sa OCBC Arena sa Singapore.

Sa pangunguna ni Kacey Dela Rosa, gumawa ng kasaysayan ang Pinay squad nang pabagsakin ang Japan, 21-19, sa dikit na semifinal showdown.

Dahil diyan, sigurado agad ng ating pambato na hindi bababa sa silver medal ang finish!

Baka Bet Mo: Vicki Belo 1st time sumakay sa MRT: Mas mabilis nga compared to a Ferrari! 

Hindi nagpigil si Dela Rosa sa kanyang bangis sa laro, rumatsada ng 10 puntos, kabilang ang game-clinching short stab na may 47.4 segundo na lang sa orasan. 

Dinagdagan pa niya ito ng limang rebounds para tuluyang maselyuhan ang panalo. 

Todo suporta naman ang beteranang guard na si Afril Bernardino na nagbigay ng limang puntos at anim na rebounds.

Bago pa ang matinding sagupaan kontra Japan, pinatikim muna ng Gilas ang Mongolia ng 15-12 panalo sa naunang laban.

"We only had two weeks of preparation and being with each other so this is all worth it," sey ni Bernardino na iniulat ng INQUIRER, na siyang tumira para basagin ang 19-19 deadlock.

Sa finals, panibagong hamon ang haharapin ng Gilas Women laban sa defending champion na Australia, na nanaig naman kontra China sa hiwalay na semifinals.

Matatandaang nasilat ng Aussies ang Pilipinas noong April 4, 21-10, kaya naman siguradong gigil na gigil ang Gilas na makabawi at maiuwi ang kampeonato.

The post Gilas Women inungusan ang Japan, pasok sa kauna-unahang FIBA 3×3 final appeared first on Bandera.


Gilas Women inungusan ang Japan, pasok sa kauna-unahang FIBA 3×3 final Gilas Women inungusan ang Japan, pasok sa kauna-unahang FIBA 3×3 final Reviewed by pinoyako on April 05, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close