BREAKING NEWS

Aspalto sa EDSA katulad na sa airport runway –DPWH chief

Aspalto sa EDSA katulad na sa airport runway –DPWH chief
INQUIRER file photo

TATAPUSIN na ang panahon ng "tapal-tapal" sa pagsasaayos sa mga kalsada ng EDSA.

Ito ang tiniyak ni Public Works and Highways Secretary Vince Dizon matapos bisitahin ang binuksan na bahagi ng EDSA Magallanes flyover na isinara noong Semana Santa para ayusin.

Inamin ng kalihim na maraming reklamo silang natatanggap na agad din nasisira ang aspalto sa EDSA dahil sa tapal-tapal lang ang ginagawa.

At sa pagsasagawa ng rehabilitasyon sa EDSA, ipinagmalaki ni Dizon na ang ginagamit ng DPWH na aspalto ay katulad na ng nasa airport runways.

Baka Bet Mo: 16 DPWH-Bulacan personnel sinuspinde ng Ombudsman

Ngunit dagdag pa niya, kailangan pa rin ang "regular maintenance" na hindi nagawa sa mga naunang pagsasaayos ng EDSA.

Ibinahagi pa ni Dizon na isasabay sa rehabilitasyon ang pagsasaayos ng drainage system sa gilid ng EDSA, na dahilan din ng mabilis na pagkasira ng pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Sinabi rin ng kalihim na may limang taon na garantiya mula sa mga contractor sa kanilang mga trabaho sa EDSA.

The post Aspalto sa EDSA katulad na sa airport runway –DPWH chief appeared first on Bandera.


Aspalto sa EDSA katulad na sa airport runway –DPWH chief Aspalto sa EDSA katulad na sa airport runway –DPWH chief Reviewed by pinoyako on April 05, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close