BREAKING NEWS

Vlogger na si Ka Mangyan ‘di nagtaas ng benta sa gas stations, hinangaan ng netizens

Vlogger na si Ka Mangyan 'di nagtaas ng benta sa gas stations, hinangaan ng netizens

MARAMI ang naantig sa vlogger na si Ka Mangyan o si Mercedes Lasac sa totoong buhay pati sa kanyang fiancé na si Julius Mantala dahil sa desisyon nilang huwag magtaas ng presyo sa kanilang fuel starions sa kabila ng pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Usap-usapan ngayon sa social media ang kabutihang loob ng magkasintahan na may pag-aaring mga gasolinahan sa Calaban at Pinamalayan sa Mindoro.

Ayon sa fiancé ni Ka Mangyan, inutusan niya ang mga manager ng kanilang fuel stations na panatilihin ang kanilang presyo para makatulong na maibsan ang bigat sa mga motorista.

Giit niya, nakatuon ang negosyo ng vlogger sa pagtulong sa kapwa at hindi lang dahil sa pera.

Baka Bet Mo: Arron Villaflor nagpa-gas, umabot ng P9,000: Langis pa ba 'to o ginto na?!

"Sa mga taga-Pinamalayan po at Calapan sinabihan ko po ang mga managers ng Jetti na wag itaas ang presyo para kahit papaano ay makatulong," saad ni Julius.

Agad namang nag-viral ang balita sa social media at inulan ng mga magagandang komento patungkol kina Ka Mangyan.

"Salamat po sa appreciation. Again, choice po namin na hindi sobrang magtaas ng presyo para kahit papaano ay makatulong sa crisis na ito.

"Una pa lang, noong sobrang nagtaasan ang presyo, hindi na po kami masyadong nakisabay. Alam po ng mga taga-Mindoro 'yan. Gasoline Station namin ang may pinaka mababang presyo," lahad ni Ka Mangyan.

Giit pa niya, hindi old stock ang kanilang tinitinda lalo na't mabilis itong maubos.

"Hindi po old stocks ang tinitinda namin—sa katunayan, mabilis po itong maubos. Maaga rin po kaming magsara dahil naaawa kami sa aming staff. Wala rin po itong kinalaman sa vlog o kung ano pa man. Hindi rin po ito para sa content. Again, in times of struggle, kindness and humanity matter," pagbabahagi ni Ka Mangyan.

The post Vlogger na si Ka Mangyan 'di nagtaas ng benta sa gas stations, hinangaan ng netizens appeared first on Bandera.


Vlogger na si Ka Mangyan ‘di nagtaas ng benta sa gas stations, hinangaan ng netizens Vlogger na si Ka Mangyan ‘di nagtaas ng benta sa gas stations, hinangaan ng netizens Reviewed by pinoyako on April 02, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close