BREAKING NEWS

ALAMIN: 7 sakit na usung-usong tuwing panahon ng tag-init

ALAMIN: 7 sakit na usung-usong tuwing panahon ng tag-init
PHOTOS: Screengrab from Google

SUMMER na, mga ka-BANDERA! Ramdam niyo na ba ang grabeng init ng panahon?

Nako, hindi lang ang katawan natin ang nag-iinit, kasama rin ang mga sakit na sumasabay sa tag-init! 

Narito ang pitong sakit na palaging sumusulpot tuwing summer at tips kung paano umiwas at manatiling healthy:

Sore Eyes (Conjunctivitis)

Isa sa mga karaniwang summer sickness ay sore eyes o conjunctivitis, na sanhi ng virus o bacteria. 

Hindi ito basta-basta nakukuha sa simpleng tinginan lang, pero mabilis itong makahawa kung hindi maghuhugas ng kamay o mag-iingat sa personal na gamit. 

Baka Bet Mo: WATCH, NOW NA: Tamang skin care para 'fresh' pa rin sa tag-init

Huwag manghiram ng sunglasses, makeup, panyo, o towel ng iba, at panatilihing malinis ang mga doorknob, handrail, at keyboard sa bahay o opisina. 

Para sa instant relief, pwede namang tapalan ng ice pack o pinalamig na cucumber ang mata. 

Kapag naramdaman mo na may impeksyon, diretso agad sa doktor para maagapan.

Ubo at sipon

Ubo at sipon naman ay karaniwang sumasabay sa biglaang ulan at init. 

Para maiwasan ang paglala ng sakit at ang pagpapasa sa iba, siguraduhing uminom ng 8–12 baso ng tubig araw-araw at matulog ng maaga. 

Manatili muna sa bahay, hugasan palagi ang kamay, at takpan ang bibig at ilong kapag uubo o babahing. 

Bungang-araw (prickly heat)

Hindi rin mawawala ang bungang-araw o prickly heat, kung saan lumalabas ang maliliit at mapulang butlig sa balat na makati at minsan hapdi. 

Ito ay dulot ng sobrang pawis at init, kaya hangga't pwede ay iwasang mainitan at pawisan. 

Mas maganda ring magsuot ng maluwag at cotton na damit. 

Pagsusuka at pagtatae

Dahil sa init, madali ring mapanis ang pagkain kaya laganap ang pagsusuka at pagtatae. 

Iwasan ang street foods o pagkain na madaling masira at siguraduhing luto o fresh ang pagkain. 

Pangunahing lunas dito ang pag-inom ng oral rehydration salt solution at maraming tubig para hindi matuyo ang katawan.

Bulutong tubig (chickenpox)

Isa pang summer culprit ay ang bulutong tubig o chickenpox, na sanhi ng varicella virus. 

Nakakahawa ito nang sobra, lalo na limang araw bago at pagkatapos lumabas ang mga butlig. 

Mainam na i-isolate ang may sakit at iwasang direktang makipag-contact sa kanila. 

Kadalasang gumagaling ito sa loob ng isa hanggang dalawang linggo at pwede ring magpabakuna sa gabay ng doktor.

Sunburn

Siyempre, ang karaniwan ay ang sunburn, na dulot ng matagal na pagkakabilad sa araw. 

Para maibsan ang hapdi, tapalan ng tuwalya na binasa sa malamig na tubig ang apektadong bahagi at pahiran ng sunburn gel o ointment na may aloe vera, menthol, o camphor. 

Hangga't hindi tuluyang gumagaling ang balat, iwasang lumabas sa peak ng init mula 10 a.m. hanggang 4 p.m., at magsuot ng long sleeves, pantalon, sombrero, shades, at SPF lotion.

Heat stroke

Common din at isa pa sa kinatatakutang sakit sa init ay heat stroke dahil maaari itong makamatay o magdulot ng matinding pinsala sa utak at iba pang bahagi ng katawan.

Ang madalas na tinatamaan nito ay 'yung mga kababayan natin na nabibilad o nagtatrabaho sa ilalim ng sikat ng araw.

Para maiwasan ito, magsuot ng maluluwag na damit at iwasang nakabilad sa araw nang matagal.

Mas mainam din kung ikaw ay iinom ng maraming tubig.

The post ALAMIN: 7 sakit na usung-usong tuwing panahon ng tag-init appeared first on Bandera.


ALAMIN: 7 sakit na usung-usong tuwing panahon ng tag-init ALAMIN: 7 sakit na usung-usong tuwing panahon ng tag-init Reviewed by pinoyako on April 02, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close