BREAKING NEWS

Sachzna Laparan tinalakan ‘burarang’ Pinoy guests ng home rental sa Japan

Sachzna Laparan tinalakan 'burarang' Pinoy guests ng home rental sa Japan

DISMAYADO ang social media personality na si Sachzna Laparan sa mga nagdaang guests na nag-stay sa kanyang home rental sa Japan matapos itong iwang magulo at madumi.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi niya ang mga larawan na kuha matapos ang pamamalagi ng mga guests na kapwa pa mga Pinoy.

"Nakaka-disappoint lang… kapwa Filipino pa ang nag-rent sa Fuji Stay by Sachzna sa Japan.

"Nakakalungkot, sana hindi na maulit. Let's all be responsible and respectful guests wherever we go," saad ng social media personality.

Baka Bet Mo: Sachzna Laparan nanlibre ng gas sa mga drivers: Full tank natin 'yan!

"Hindi po kasama sa binayaran ninyo ang burarain ang bahay ko. Please treat the place with respect," giit pa ni Sachzna.

Makikita sa mga larawan ang mga naiwang pagkain sa la mesa, makalat na mga basura, at basag na kagamitan.

Kasunod naman ng mga larawan ay ang paalala ng "Fuji Stay by Sachzna" na sana'y igalang ang kanilang mga rules habang naka-stay sa kanilang home rental.

"Our place is designed to be a clean, relaxing, and comfortable space for everyone. We kindly ask all guests to practice basic cleanliness and responsibility," giit pa nila.

"We trust our guests to treat our home with care, just like their own. Let's work together to maintain a peaceful and high-quality stay experience. Failure to follow these guidelines may result in additional charges or penalties," mababasa pa sa Faccbook page ng negosyo ni Sachzna.

Hindi naman na ibinandera ng social media personality ang pagkakakilanlan kung sino ang mga naging guests.

The post Sachzna Laparan tinalakan 'burarang' Pinoy guests ng home rental sa Japan appeared first on Bandera.


Sachzna Laparan tinalakan ‘burarang’ Pinoy guests ng home rental sa Japan Sachzna Laparan tinalakan ‘burarang’ Pinoy guests ng home rental sa Japan Reviewed by pinoyako on April 02, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close