BREAKING NEWS

LIST: Mga pasabog na concert, shows mula Abril hanggang Hunyo

LIST: Mga pasabog na concert, shows mula Abril hanggang Hunyo
PHOTO: Courtesy of SM MOA Arena

MARAMING nakahandang pasabog para sa music lovers at entertainment fans ngayong Abril hanggang Hunyo!

Mula sa mga paboritong OPM acts, K-Pop sensations, hanggang sa international stars, siguradong may kasamang kilig, saya, at unforgettable moments sa bawat weekend.

Ang SM Mall of Asia (MOA) Arena ang magiging sentro ng lahat ng excitement na ito at heto ang listahan ng lineup na dapat abangan:

April 12 – Wishdate: Rewrite (20th Edition)

Tampok ang Apo Hiking Society, Over October, at Aquila Packing Company. Hatid ng concert na ito ang emosyon, kwento, at musika na tatatak sa puso ng bawat manonood.

April 18 – SB19 Wakas at Simula Trilogy Concert Finale

Magdiwang kasama ang SB19 sa kanilang bagong album sa SMDC Festival Grounds. Kasabay nito, bumabalik din sa Manila ang TREASURE para sa kanilang Pulse On Tour, handang magpasabog ng high-energy performances.

Baka Bet Mo: Regine Velasquez may huling bonggang concert bago mag-retire, pero…

April 25 – IVE World Tour: Show What I Am

Ang global K-Pop sensation na IVE ay magpapasiklab ng kanilang chart-topping hits at signature choreography.

Abpril 30 – SexBomb Girls Rawnd 6

Mas malaki at mas masaya! Ang SexBomb Girls ay magdadala ng kanilang iconic performances, nostalgic hits, at bagong numero sa SMDC Festival Grounds.

May 1 – Miss Universe Philippines 2026 Coronation

Maging saksi sa crowning ng susunod na kinatawan ng Pilipinas sa global stage! 51 candidates, isang korona, at isang gabi ng kilig at glam!

May 3 – Bida sa Arena Ultimate Celebrity Showdown

Basketball showdown nina Gerard Anderson at David Licauco, kasama ang iba pang sikat na artista.

May 8 – Playback Punk Rock & Emo Music Festival

Balik nostalgia ng 2000s kasama ang Dashboard Confessional, The Red Jumpsuit Apparatus, at Faber Drive. Para sa mga hilig ang emo at punk, ito ang ultimate throwback night!

May 26–28 – Laufey: A Matter of Time Tour

Damhin ang jazz, classical, at bossa nova vibes ng Icelandic singer-songwriter na si Laufey. Kasama ang full orchestra, tatlong gabi ng musika at elegance sa SM MOA Arena.

May 29 – Nurse John: The Short-Staffed Tour Around the World

Unang live performance sa Pilipinas ni Nurse John, na magpapatawa sa inyo gamit ang kwento ng buhay-nurse at mga funny experiences.

May 31 – Watsons Playlist: Own the Moment

OPM powerhouse tulad ng SB19, December Avenue, at Maki ay magtatagpo para sa isang collab ng musika at emosyon na hindi mo dapat palampasin.

June 20 – BINI Signals Anniversary Celebration

Nation's Girl Group BINI celebrates their anniversary with bagong EP album at nationwide tour. Stop sa Manila at Cebu, hatid ang saya, hits, at espesyal na performances para sa kanilang fans na Blooms.

For your info na rin mga ka-BANDERA, na kasabay ng mga pasabog na events ngayong Mayo ay ipinagdiriwang din ang unang taon ng SM Arena Cube, ang pinakamalaking centerhung sa Pilipinas.

The post LIST: Mga pasabog na concert, shows mula Abril hanggang Hunyo appeared first on Bandera.


LIST: Mga pasabog na concert, shows mula Abril hanggang Hunyo LIST: Mga pasabog na concert, shows mula Abril hanggang Hunyo Reviewed by pinoyako on April 02, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close