BREAKING NEWS

Comedian Tonton Soriano engaged na sa dyowang si Jhonnas Desigaño

Comedian Tonton Soriano engaged na sa dyowang si Jhonnas Desigaño
Tonton Soriano at Jhonnas Desigaño

ENGAGED na ang singer at stand-up comedian na si Tonton Soriano sa kanyang partner na si Jhonnas Desigaño.

Naganap ang wedding proposal sa isang resort sa Laguna na nasaksihan ng kanilang mga kapamilya at malalapit na kaibigan.

Ibinandera ni Tonton sa social media ang mga naging kaganapan sa engagement nila ni Jhonnas na nangyari sa pagdiriwang ng kaarawan mismo nito.

Naroon sa proposal ang mga kapwa komedyante ni Tonton na sina Iyah Mina, Miss Ohw, Kitty Montecarlo, Ayee, Verna Tuliao, at Petite.

Mapapanood ang sorpresang pagpo-propose ni Jhonnas sa YouTube vlog ng grupong "Beks Friends" na kinabibilangan nina Soriano, Kitty Montecarlo, at Orli Domingo.

Sa isang bahagi ng vlog ay makikitang naglalaro ang mga stand-up comedian ng "Pinoy Henyo" at isa sa mga pinahulaan kay Tonton ay ang pangalan ng kanyang dyowa.

At nang mahulaan niya ito ay bigla ngang lumabas si Jhonnas sa venue na ikina-shock ni Tonton. Lumapit sa komedyante ang partner at lumuhod sa kanyang harapan hawak ang isang singsing. 

Palakpakan at hiyawan ang kanilang mga kaibigan habang tuwang-tuwa naman si Tonton sa paandar na proposal ng boyfriend.

"Hindi ko hiniling kay Lord pero binigay nya! Edi GO NA!" ang caption ni Tonton sa mga litrato nila ng kanyanf fiance.

"Hindi talaga ako makapaniwala kasi wala naman sa dream natin na magkakaroon ng ganito, lalo na na nasa third sex tayo. Salamat kasi ginawa mo ito para sa akin," saad pa niya.

"Ito na yung new generation. I-embrace na natin na love wins," ang sabi naman ni Jhonnas.

The post Comedian Tonton Soriano engaged na sa dyowang si Jhonnas Desigaño appeared first on Bandera.


Comedian Tonton Soriano engaged na sa dyowang si Jhonnas Desigaño Comedian Tonton Soriano engaged na sa dyowang si Jhonnas Desigaño Reviewed by pinoyako on March 08, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close