BREAKING NEWS

Kampo ni Kean Cipriano umamin sa blind item ni Xian Gaza sa isyu ng TF, pero…

Kampo ni Kean Cipriano umamin sa blind item ni Xian Gaza sa isyu ng talent fee
China Ortaleza at Kean Cipriano

FOLLOW-UP ito sa blind item ni Xian Gaza kung saan nabanggit ng mga netizens ang pangalan ni Kean Cipriano na naging trending topic kahapon sa social media.

Nakausap namin ang Adprom Head ng OC Records na si James Banaag at hindi naman niya itinanggi na si Kean ang blind item ni Gaza at sa katunayan ay sinagot niya kami ng, "Kung si Kean man, hindi ko alam kung ano ang hugot niya (Xian Gaza)."

Pero bago nagkuwento si James ay kinlaro niya na hindi sila galit o nakaramdam ng inis sa lalaking Marites dahil baka nga may kinalaman ang isa nilang artist na gusto nang umalis sa OC Records.

'Yung sa hanging question namin na hindi agad nasagot na tungkol sa P100,000 na talent fee pero P10,000 ang ang natatanggap ng artist, sinagot din James.

"Example ni Gaza 'yun nasa one hundred thousand at ten thousand lang ang nakukuha ng artist, hindi 'yun talent fee, royalty 'yun sa kanta. 

"Hindi lang kami (OC Records) ang ganu'ng set-up, lahat ng record labels sa Pilipinas ganu'n, 95% at 5% ganu'n lahat kahit sa Star Music, sa Viva (records), sa Universal ganu'n.

"Siguro ginamit lang ni Xian Gaza ang ganu'n figures para mas madaling ma-figure out, tama naman 'yung sinasabi niya, pero iba 'yung royalty fee sa talent fee.

"Pag sa gig, ang kinukuha namin bilang manager's commission ay 30% at alam mo naman 'yan ganyan ang standard," paliwanag niya.

Sang-ayon kami sa sinabing 30% ang standard dahil alam namin ang kalakaran pagdating sa komisyon dahil nagpapa-show din kami, pero may ibang managers na 20% lang.

At dito namin ipinasok kung sinong artist nila ang may galit sa kanila para makalabas sa publiko ang isyu.

"Naggaling ito kasi 'yung isang artist namin, si MRLD (Mariel de Jesus) kasi umaalis!" kaswal na sagot ni James.

Bago sa pandinig namin kaya tinanong namin kung sino ito at natawa ang kausap namin sa kabilang linya.

"Kita mo, hindi mo kilala. Ha-hahaha! Basta meron kaming artist na umaalis," natatawang sagot pa.

Hirit namin, "O, ayaw ninyo payagan? Payagan n'yo na."

"Hindi sa ayaw payagan, e, on-going pa ang kontrata," sambit ni James.

"Ilang years pa?" tanong namin.

"Technically, 5 years pa ulit," say ni James.

"Five years. When you say 5 years pa ulit, ibig sabihin nag-renew or option to renew" tanong ulit namin at sinagot kami ng "Oo."

At dahil hindi nga namin kilala pala kaya tinanong namin kung saan ito naggi-gig.

"Gen Z kasi ang crowd niyan, sa mga home studio ganyan, sa schools, malakas sa Spotify 'yan (at) maraming fans 'yan," paliwanag ni James.

Tinanong namin kung anu-ano ang mga kanta ni MRLD kasi may mga Gen Z rin kaming kilalang singers tulad nina Maki kumanta ng "Kahel na Langit", Cup of Joe nagpasikat ng "Multo", "Ikaw Pa Rin ang Pipiliin Ko" at iba pa, Zack Tabudlo na nagpasikat ng "Habang Buhay," bukod pa sa BINI, BGYO, at G22.

"Kahit sabihin ko sa 'yo baka hindi mo rin alam, pero send ko sa 'yo 'yung sa Spotify mataas naman 'yung mga songs niya," sagot ni James.

"Umaalis si MRLD sa OC records ano raw ang reason niya?" tanong namin ulit.

"Reason niya na 'ito lang ang nangyayari sa akin.' Kaya 'yung post ni Gaza, 'yan 'yun," katwiran ni James.

Ipinagdiinan din ng adprom ng OC Records na sila ang naka-discover kay MRLD na taga-Cebu City at kung tama ang kuwenta namin ay edad 16 palang noon ang ang bagets dahil 21 years old na siya ngayon.

Isa pang sinabi ni James na namumukod tanging si MRLD lang ang ganito dahil ang ibang artists nila ay okay ang takbo at sa kasalukuyan ay lampas 10 raw iba pa 'yung content creators nila at artista, si Gold Azeron.

Tinanong namin kung aware si Kean na viral siya ngayon, "Alam niya, pero kasi may iniinda siya ngayon sa paa niya at kailangan ng medical."

Alam din daw ng wifey ni Kean na si Chynna Ortaleza at wala naman daw itong reaksyon muna dahil inaasikaso nito ang asawa.

Isa pang tinanong namin ang tungkol kay Unique Salonga na bokalista ng IV of Spades na umalis noong 2018 at sa kanila nagpa-handle. Bakit umalis na?

"Oo, sa amin (dumiretso pagkaalis sa banda), tinapos naman niya ang contract, okay kami malinis 'yun," say ni James.

Kung umalis si Unique sa banda niya bakit bumalik ulit now?

"Baka dati meron silang hindi napagkasunduan, ngayon okay na," kaswal na tsika sa amin.

At ang paglilinaw sa amin tungkol kay Unique, "Hindi siya female, male siya."

Ay, okay, we stand corrected.

Going back to MRLD ay tsinek namin ang kanyang mga awitin na siya pala mismo ang sumulat na umabot na sa 24 mula sa album niyang "7th Sense."

Pinakinggan namin isa-isa ang mga kanta ni MRLD at sa totoo lang maganda ang boses niya akala nga namin ay si Maki o Zack pero hindi pa namin napakinggan kahit pa kahit sabihing super sikat siya sa Gen Z at malakas siya sa spotify ay hindi pa ring masasabing sikar na siya dahil kailangan ay may isa man lang siyang hit song o songs na magiging household name.

Tulad ng experience ni TJ Monterde na ang dami-dami niyang sinulat na kanta at 15 years na siya sa industriya na halos sumuko na at tanging panalangin niya ay isang hit song lang para makilala o maalala siya at nangyari nga, ang Palagi na ngayon ay umaalingawngaw na sa maraming bansa bukod sa Pilipias.

Payo namin kay MRLD o Mariel, bata ka pa Ineng, ramdam namin ang hinaing mo okay 'yan at naglabas ka ng saloobin mo, pero sana maisip mo rin pagdating ng araw na hindi mo dapat ito ginawa o ginagawa na magreklamo o parang nang-aaway ka na at isinapubliko mo pa through your Facebook account. 

Sa simula maraming mahahabag sa 'yo kasi nga ang narrative mo ay breadwinner ka at dapat ganito ang natatanggap mo.

Pero sana naisip mo rin kung wala ang OC Records na nag-manage sa iyo sa tingin mo ay mapapasama ka sa mga music festival kasama ang mga kilalang singers at banda? 

Gusto naming i-wish na sumikat si MRLD para naman maging masaya na siya kasama ang magulang niya na pareho rin ang pangarap para sa anak.

The post Kampo ni Kean Cipriano umamin sa blind item ni Xian Gaza sa isyu ng TF, pero… appeared first on Bandera.


Kampo ni Kean Cipriano umamin sa blind item ni Xian Gaza sa isyu ng TF, pero… Kampo ni Kean Cipriano umamin sa blind item ni Xian Gaza sa isyu ng TF, pero… Reviewed by pinoyako on March 08, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close