Win, Kiko kinalampag DOE sa illegal price hike sa gasolina, krudo

PINATUTUKAN ni Sen. Win Gatchalian sa Department of Energy (DOE) ang mga kaso ng ilegal na maagang pagtaas ng presyo ng mga produktong-petrolyo.
Binanggit ni Sen. Win na may isang independent oil player na itinaas na sa P105 ang presyo ng kada litro ng krudo at P95 naman sa gasolina sa pagputok ng digmaan sa Gitnang Silangan.
Idiniin ng senador na hindi dapat palagpasin ang mga ganitong uri ng pang-aabuso at garapal na aksyon dahil sa epekto nito sa mga motorista, lalo na ang mga nabubuhay sa sektor ng pampublikong transportasyon.
Kasabay nito, nanawagan din si Gatchalian sa Department oif Trade and Industry (DTI) at Departrment of Agriculture (DA) na bantayan ang posibleng ilegal na pagtaas din ng presyo ng mga pangunahing bilihin, partikular na ang mga pagkain.
Si Sen. Kiko Pangilinan binalaan na ang mga gasolinahan na agad nagtaas ng presyo ng mga produktong-petrolyo.
"Sa mga agad na nagtaas ng presyo bago ang oil price hike sa Martes, mananagot kayo," ang pagtitiyak ni Pangilinan.
Aniya hindi dapat agad itaas ang presyo at gawing dahilan ang sitwasyon sa Gitnan Silangan dahil may nakaimbak pa naman ang mga kompanya ng langis.
The post Win, Kiko kinalampag DOE sa illegal price hike sa gasolina, krudo appeared first on Bandera.

No comments: