Sunshine Cruz ibinandera fitness journey, dedma sa autoimmune disease

GRABE ang dedication ng batikang aktres na si Sunshine Cruz pagdating sa kanyang fitness journey!
Kahit pa mayroon siyang autoimmune disease, aba, hindi talaga siya nagpapatinag at tuloy sa pagiging fit.
Sa pamamagitan ng Instagram, proud ibida ng celebrity mom ang kanyang bonggang transformation at glute gains matapos ang tuloy-tuloy na workout sessions.
Magugunitang na-diagnose si Sunshine ng Myasthenia Gravis, isang kondisyon na ayon sa Cleveland Clinic ay nakakaapekto sa komunikasyon ng nerves at muscles, na nagreresulta sa panghihina ng kalamnan.
Baka Bet Mo: Sunshine Cruz tumatanggi sa mga project dahil sa sakit na wala pang lunas
Sa kabila nito, todo-push pa rin si Sunshine sa kanyang fitness goals!
"Proof of what a year and a half of consistency looks like," caption ng aktres, sabay pasasalamat sa kanyang fitness coach na walang sawang gumabay at nagtulak sa kanya.
"Even with Myasthenia Gravis, we made those glute gains happen. Consistency is everything," dagdag pa ni Sunshine, at ibinunyag na next target naman niya ang pagpapalakas ng kanyang shoulders at arms.
Matatandaang unang ibinandera ni Sunshine ang kanyang diagnosis noong March 2025.
Nalaman niya ito ilang araw bago pa siya rumampa sa isang fashion show.
Kamakailan lang din, umapela si Sunshine sa netizens na maging "kind" matapos mapansin ng ilan ang paglaylay ng bahagi ng kanyang mukha.
"Attacking someone's appearance says more about your character than it does about theirs.
You never truly know the battles people are fighting whether it's mental health or physical illness," Sey niya.
Giit pa ni Sunshine, "Let's choose to be kind."
Bukod diyan, ibinunyag din niya na napilitan siyang tanggihan ang dalawang proyekto dahil sa kanyang kondisyon.
The post Sunshine Cruz ibinandera fitness journey, dedma sa autoimmune disease appeared first on Bandera.

No comments: