BREAKING NEWS

Coco Martin biktima ng sindikato sa socmed, walang ineendorsong online sugal

Coco Martin biktima ng sindikato sa socmed, walang ineendorsong online sugal

MARIING pinabulaanan ng Kapamilya Teleserye King na si Coco Martin na nag-eendorso siya ng anumang uri ng online sugal.

May kumakalat kasing post sa social media kung saan nakabalandra ang mukha at pangalan ni Coco Martin sa mga online gaming sites.

Sa pamamagitan ng isang official statement na in-upload sa CCM Film Productions socmed accounts, nilinaw ng kampo ng aktor, direktor at producer na wala siyang koneksyon sa anumang online gaming platforms.

"Nais naming linawin na si Coco Martin ay hindi konektado, nag-eendorso, o nagpo-promote ng anumang uri ng sugal o online gambling platforms.

Baka Bet Mo: 'Sana tumakbong presidente si Coco Martin sa eleksyon!' – Batang Quiapo fan

"Ang anumang patalastas, social media posts, o materyales na kumakalat online na gumagamit ng kanyang pangalan, larawan, o pagkakakilanlan kaugnay ng ganitong aktibidad ay hindi awtorisado at mapanlinlang," ang bahagi ng opisyal na pahayag ng kampo ni Coco.

Sa huli, binalaan ng CCM Film Productions ang madlang pipol na maging maingat at mapanuri sa mga naglalabasang fake endorsements sa socmed para hindi mabudol ng mga sindikato.

"Mahigpit naming pinapaalalahanan ang publiko na maging mapanuri at iwasan ang pakikipag-ugnayan sa mga ganitong uri ng mapanlokong promosyon," ayon pa sa post.

Matatandaang naglabas ng pahayag ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na may ilang celebrities at social media influencers na nagpo-promote ng illegal online gambling. 

The post Coco Martin biktima ng sindikato sa socmed, walang ineendorsong online sugal appeared first on Bandera.


Coco Martin biktima ng sindikato sa socmed, walang ineendorsong online sugal Coco Martin biktima ng sindikato sa socmed, walang ineendorsong online sugal Reviewed by pinoyako on April 01, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close