BREAKING NEWS

‘Green Bones’ pasok sa finals ng 2026 New York Festivals!

'Green Bones' pasok sa finals ng 2026 New York Festivals!
'Green Bones', Dennis Trillo

PASABOG ang pelikulang "Green Bones," ang pinagbibidahan ng award-winning actor na si Dennis Trillo!

Opisyal na kasi itong shortlisted bilang isa sa mga finalists sa feature films category ng prestihiyosong New York Festivals (NYF) TV and Film Awards 2026.

Ang kalaban ng prison drama ay 14 iba pang entries mula sa buong mundo, saklaw ang iba't ibang genre.

Kung matatandaan, ang "Green Bones" ay naging bahagi ng Metro Manila Film Festival (MMFF) noong 2024.

Baka Bet Mo: Marian Rivera, Dennis Trillo, Green Bones big winner sa 8th EDDYS 

Mula sa direksyon ni  Zig Dulay, humakot ito ng mga parangal sa MMFF kabilang na ang Best Actor kay Dennies, pati na rin Best Picture, Best Supporting Actor (Ruru Madrid), Best Screenplay (Ricky Lee at Angeli Atienza), Best Cinematography (Neil Daza), at Best Child Performer (Sienna Stevens).

Sa pelikula, ginampanan ni Dennis si Domingo, isang kilabot na kriminal na inaakusahan ng pagpatay sa sariling kapatid at pamangkin, samantalang si Madrid ay isang jaded jail officer na determinado tuklasin ang katotohanan tungkol sa misteryosong preso na malapit nang lumabas ng kanyang selda.

Samantala, ang NYF ay awards body na kinikilala ang "exceptional and innovative content" sa lahat ng platforms mula sa documentary filmmakers, directors, screenwriters, journalists, at executive producers sa buong mundo.

Bukod sa "Green Bones", nakasecure rin ang GMA ng walo pang finalist slots sa 2026 NYF at ito ang pinakamalaki nilang haul sa mga nakaraang taon! 

Kabilang dito ang flagship news magazine program na "Kapuso Mo, Jessica Soho"; "The Atom Araullo Specials"; investigative powerhouse "Reporter's Notebook"; at ang documentary ni Dingdong Dantes, "Broken Roads, Broken Promises."

Dalawang Filipino ang kabilang sa NYF advisory board, kasama sina Regina "Ging" Reyes, dating chief ng ABS-CBN Integrated News and Current Affairs, at Francis Toral na kasalukuyang News chief ng ABS-CBN.

Ang winners ay ibabandera sa New York Festivals Storytellers Gala sa darating na May 21.

The post 'Green Bones' pasok sa finals ng 2026 New York Festivals! appeared first on Bandera.


‘Green Bones’ pasok sa finals ng 2026 New York Festivals! ‘Green Bones’ pasok sa finals ng 2026 New York Festivals! Reviewed by pinoyako on April 01, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close