BREAKING NEWS

Fair weather, pero mainit asahan ngayong Huwebes Santo (April 2) – PAGASA

Fair weather, pero mainit asahan ngayong Huwebes Santo (April 2) – PAGASA

SAKTO para sa mga magbi-Bisita Iglesia ngayong Huwebes Santo, April 2, ang weather forecast ay generally fair pero mainit.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), patuloy na nakakaapekto ang easterlies sa Southern Luzon, Visayas, at Mindanao kaya asahan ang maalinsangan at maulap na kalangitan sa buong bansa.

Pero huwag pa ring kampante, mga ka-BANDERA, may tsansa pa rin kasi ng panandalian at isolated na pag-ulan. 

Ibig sabihin, may mga lugar na pwedeng biglang buhos, pero sandali lang at hindi naman malawakan.

Baka Bet Mo: Mga tradisyon na karaniwang ginagawa tuwing Holy Week

Base sa weather bulletin, asahan ang isolated light rains sa Batanes.

May isolated rainshowers naman sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at nalalabing bahagi ng Cagayan Valley.

Gayundin ang mararanasan sa Metro Manila at sa natitirang lugar ng bansa.

Samantala, nagpaalala ang PAGASA na mag-doble ingat sa pag-iikot sa mga simbahan dahil nasa peak ang init ngayong Semana Santa.

Asahan ang matinding sikat ng araw, lalo na tanghali hanggang hapon.

Dahil diyan, huwag kalimutang magdala ng payong, tubig, mini fan, at matinding pasensya sa init!

Babala rin ng ahensya na maaaring umabot sa delikadong heat index ang ilang lugar. 

Sa Virac, Catanduanes, posible itong pumalo sa 46°C, habang sa Metro Manila ay nasa 34°C hanggang 36°C.

Kaya payo ng weather bureau, iwasan ang matagal na pagbilad sa araw, lalo na sa tanghali at maagang hapon, upang makaiwas sa heat stress o heat stroke.

Sa mga bibiyahe o mamamasyal sa dalampasigan, wala namang gale warning, pero maaari pa ring makaranas ng katamtaman hanggang maalon na karagatan sa ilang bahagi ng Northern Luzon.

Sa ngayon, wala ring binabantayang Low Pressure Area (LPA) o bagyo sa loob ng Philippine Area of Responsibility.

The post Fair weather, pero mainit asahan ngayong Huwebes Santo (April 2) – PAGASA appeared first on Bandera.


Fair weather, pero mainit asahan ngayong Huwebes Santo (April 2) – PAGASA Fair weather, pero mainit asahan ngayong Huwebes Santo (April 2) – PAGASA Reviewed by pinoyako on April 01, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close