BREAKING NEWS

PBB Gen 11 couple Patrick Ramirez, Dingdong Bahan naghiwalay na

PBB Gen 11 couple Patrick Ramirez, Dingdong Bahan naghiwalay na
Dingdong Bahan at Patrick Ramirez

CONFIRMED: Hiwalay na ang former "Pinoy Big Brother" housemates at LGBTQ couple na sina Patrick Ramirez at Dingdong Bahan.

Mismong si Patrick ang nag-announce sa social media ng malungkot na balita tungkol sa breakup nila ng kanyang ex-boyfriend na si Dingdong.

Nakilala bilang "DongPat", nagkasama ang dalawa sa "Pinoy Big Brother: Gen 11". Sila ang kauna-unahang openly gay couple na napanood sa loob ng Bahay ni Kuya.

Sa pamamagitan ng isang official statement, kinumpirma nga ni Patrick ang naging desisyon nila ni Dingdong na sumabay pa sa pagdiriwang sana ng kanilang second anniversary. Sa caption ay mababasa ang mensaheng, "Panibagong simula."

"Hindi ito naging madali… maraming pag-uusap, maraming luha.

"Minsan… darating sa puntong kailangan mong tanggapin na hindi na sapat ang pagmamahal lang.

"Sa ngayon pinipili naming putulin ang aming relasyon hindi dahil sumuko kami kundi dahil naniniwala kami na ito ang mas makakabuti para sa aming dalawa," ang simulang pagbabahagi ni Patrick.

"May mga laban sa buhay na kaya mong ipaglaban hanggang dulo. Pero may mga laban din na kahit gaano mo kamahal ang isa't isa darating sa puntong kailangan mong tanggapin na hindi na sapat ang pagmamahal lang para maayos ang lahat.  

"Minsan ang love ay hindi lang tungkol sa pananatili. Minsan ang love ay tungkol din sa letting go of the parts of us that hurt each other, hindi yung mismong relasyon. 

"At sa puntong ito ng buhay namin, naniniwala kami na ang pagpapalaya sa isa't isa ang mas makakabuti para sa aming dalawa," pagpapatuloy niya.

Hindi rin naging madali para sa dating magkarelasyon ang naging desisyon nila na tapusin na kung anuman ang namamagitan sa kanila.

"Sa lahat ng taon na pinagsamahan natin, naging bahagi ka ng napakaraming alaala na habang buhay kong dadalhin. 

"Maraming pangarap ang nabuo, maraming plano ang napag-usapan, at maraming pagkakataon na naniwala akong kaya nating harapin ang kahit anong darating basta magkasama tayo… 

"Alam mo kung gaano kita kamahal. Pero alam mo rin na ngayon, kailangan rin natin piliin at mahalin ang ating mga sarili," sabi ni Patrick.

"Didi, salamat at dumating ka sa buhay ko. Salamat sa tiwala, sa pagtanggap, at sa pagmamahal na ibinigay mo sa akin. Hindi ako nagsisisi na binuhos ko ang lahat ng kaya ko para mahalin ka.

"Nagpapasalamat pa rin ako na sa napakalawak na mundo, nagtagpo ang landas natin at nagkaroon ng pagkakataong mahalin ang isa't isa.

"Ang kwento natin maaaring nagbago ng direksyon, pero ang respeto, pasasalamat, at pagmamahal na minsang nabuo sa pagitan natin ay mananatiling bahagi ng buhay ko habang panahon," pahayag pa ni Patrick.

Paniniguro naman niya sa kanilang mga tagasuporta, "Maayos kami ngayon. At kung may mga pagkakataon sa hinaharap na kailangan naming magsama sa trabaho o sa isang proyekto, gagawin namin iyon nang may respeto at pagiging propesyonal. 

"Kahit mahirap para sa amin, gagawin namin iyon dahil mahal namin kayo. Ang Starfish community na patuloy na nagbigay ng suporta at pagmamahal sa amin," pagtatapos ng Kapamilya artist.

Habang sinusulat ang artikulong ito ay wala pang pahayag si Dingdong.

The post PBB Gen 11 couple Patrick Ramirez, Dingdong Bahan naghiwalay na appeared first on Bandera.


PBB Gen 11 couple Patrick Ramirez, Dingdong Bahan naghiwalay na PBB Gen 11 couple Patrick Ramirez, Dingdong Bahan naghiwalay na Reviewed by pinoyako on April 01, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close