Arron Villaflor nagpa-gas, umabot ng P9,000: Langis pa ba ‘to o ginto na?!

PARAMI nang parami ang mga celebrity na nagrereklamo at umaaray na rin sa sobrang taas ng presyo ng petrolyo, kabilang na riyan si Arron Villaflor.
Shookt ang aktor at public servant sa patuloy na pagsirit ng halaga ng diesel at gasolina sa bansa.
Sa kanyang social media account, nag-post ang Tarlac provincial board member ng maikling video kung saan makikita ang pagpapakarga niya ng gasolina sa sasakyan.
Ipinasilip ni Arron sa naturang video ang pagpalo sa higit P9,000 na gas na ipinakarga niya sabay sabing, "Langis pa ba 'to o ginto na?"
Nauna rito, umaray din ang Kapuso actress at TV host na si Shaira Diaz sa sobrang taas ng presyo ng petrolyo sa Pilipinas.
Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ng "Unang Hirit" host na naloka siya kung magkano ang inabot ng kanyang pagpapa-full tank ng gas sa kanyang sasakyan.
"Ramdam na ramdam ko na ang #OilPriceHike! WOW!" ani Shaira.
Ang dating tatlo hanggang apat na libo lang na nagagastos niya ay umabot na ng pitong libo, "Dati nasa 3700-4k lang ang full tank ko. Nabulaga ako!"
"Anlala talaga. Pang grocery na to eh," sey pa ni Shaira.
Ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis ay dahil pa rin sa nangyayaring giyera sa pagitan ng Amerika at Israel laban sa Iran.
The post Arron Villaflor nagpa-gas, umabot ng P9,000: Langis pa ba 'to o ginto na?! appeared first on Bandera.

No comments: