BREAKING NEWS

Ate Gay: Ibinigay ko na ang aking kaluluwa kay Lord mapagaling lang po ako

Ate Gay: Ibinigay ko na ang aking kaluluwa kay Lord mapagaling lang po ako
Ate Gay

MAS tumindi pa ang pananampalataya ng veteran comedian na si Ate Gay mula nang makipaglaban siya sa sakit na cancer.

Bumubuti na raw ang kundisyon ngayon ni Ate Gay o Gil Morales sa tunay na buhay matapos sumailalim sa ilang medical treatment.

Sa panayam ng "Fast Talk with Boy Abunda", binalikan ni Ate Gay ang pagsisimula ng kanyang laban sa cancer noong March, 2025.

"Actually, March pa lang last year, meron na akong mga ano dito, umumbok (sa leeg ko). Deadma lang, hindi ko pinansin. 

"Hanggang sa 'yung mga kasama ko nakikita nila na iba na 'yung hugis ng mukha ko. Tapos nakita ni Allan K, sabi niya magpatingin ka na. Ayun, nagpatingin na ako," pagbabalik-tanaw ng komedyante.

Nu'ng una siyang magpatingin ay sinabi raw ng doktor na benign ang bukol niya pero nang magpa-check up siya uli ay na-diagnose na siya ng stage 4 cancer na tinatawag na mucoepidermoid carcinoma. 

Ayon kay Ate Gay, sumailalim siya sa 35 session ng radiation therapy (araw-araw) para mapaliit at tuluyang mawala ang kanyang mga lump.

Sumailalim din siya sa limang cycle ng chemotherapy na nagkaroon ng epekto sa kanyang katawan lalo na sa pagkain dahil sa pagkakaroon ng mouth sores.

"Puro singaw kaya ang payat-payat ko ngayon. Hindi makakain kaya ang ginagawa ko, lagi na lang akong nagpapa-ospital, dextrose tapos 'yung malalambot na pagkain, 'yun ang kinakain ko," sabi ni Ate Gay.  

Sa ngayon, tuluy-tuloy pa rin ang pagpapa-immunotherapy ng komedyante at umaasang gagaling na sa kanyang cancer.

"Okay na po ngayon, nag-i-immunotherapy ako po 12 times. Tatapusin lang po 'yun tapos hihintayin lang po kung anong susunod na sasabihin ng doctor," ani Ate Gay.

Ang immunotherapy ayon sa isang health website, ay para sa cancer "that uses your body's immune system to find and destroy cancerous cells."

Pagpapatuloy ni Ate Gay, "Ang dasal ko, tumagal pa ang buhay ko, na kailangan ko pang malibot ang buong mundo para magpasaya ng mga tao."

"Kumapit po ako sobra (sa Diyos). Ibinigay ko na po ang aking kaluluwa sa Kanya, ang aking sarili, mapagaling lang po ako," aniya pa. 

The post Ate Gay: Ibinigay ko na ang aking kaluluwa kay Lord mapagaling lang po ako appeared first on Bandera.


Ate Gay: Ibinigay ko na ang aking kaluluwa kay Lord mapagaling lang po ako Ate Gay: Ibinigay ko na ang aking kaluluwa kay Lord mapagaling lang po ako Reviewed by pinoyako on April 01, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close