BREAKING NEWS

Robin Padilla pinababalik death penalty sa Pilipinas: Sobra na ang krimen

Robin Padilla pinababalik death penalty sa Pilipinas: Sobra na ang krimen

MULING nanawagan ang senador na si Sen. Robin Padilla na ibalik ang parusang kamatayan o death penalty sa Pilipinas.

Sa kanyang Facebook post nitong Miyerkules, April 1, inihayag niya ang kanyang dahilan kung bakit dapat na muling ibalik ang death penalty.

"Marami na naman ang magagalit sa akin. İbalik na natin ang death penalty!" saad ni Robin.

Pagpapatuloy niya, "Tsaka pag usapan kung ano ang mga sakop nito!"

Baka Bet Mo: Robin Padilla pinapabawi ang Sabah kay Bongbong Marcos

Giit ni Robin, muling lumalaganap ang mga krimen kaya nararapat lang ang ganitong pagbibigay ng parusa.

"Sobra na ang krimen, ang pagsasawalang bahala sa buhay, kahihiyan at karapatan ng bawat Pilipino," sabi pa ng senador.

Matatandaang minsan na ring inirekomenda ni Robin na ibalik ang nasabing parusa sa ginanap na pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs noong April 2023.

Layunin umano nito na hindi na maulit ang pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at sa walong iba pa.

Ngunit nauna nang pinawalang-bisa ang death penalty sa Pilipinas sa ilalim ng 1987 Constitution.

The post Robin Padilla pinababalik death penalty sa Pilipinas: Sobra na ang krimen appeared first on Bandera.


Robin Padilla pinababalik death penalty sa Pilipinas: Sobra na ang krimen Robin Padilla pinababalik death penalty sa Pilipinas: Sobra na ang krimen Reviewed by pinoyako on April 02, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close