BREAKING NEWS

Jake Cuenca umamin na, ‘exclusively dating’ with Rabiya Mateo

Jake Cuenca umamin na, 'exclusively dating' with Rabiya Mateo

KINUMPIRMA na ng Kapamilya actor na si Jake Cuenca na exclusively dating na sila ng actress-beauty aueen na si Rabiya Mateo.

Sa latest upload ng "Showbiz Update" ni Ogie Diaz kasama sina Mama Loi, Dyosa Pockoh, at Oliver Carnay, napag-usapan nila ang lovelife ng aktor.

Ayon kay Mama Loi, diretsahan na niyang tinanong si Jake king ano ba talaga ang real score sa pagitan nila.

Malugod naman itong sinagot ng binata at inaming pinapasaya siya ng dalaga.

Baka Bet Mo: Jake Cuenca, Rabiya Mateo nagharutan, elepante naetsapwera!

"Hi, Mama Loi, yes, it's true. It's safe to say that she makes me happy and we're exclusively dating at the moment," saad ni Mama Loi sa ipinadalang text sa kanya ni Jake.

Matatandaang nagsimula ang mga espekulasyon tungkol sa pagde-date nilang dalawa matapos maispatang magkasamang kumakain sa isang mall sa Bonifacio Global City noong nakaraang buwan.

Kalaunan ay nakita rin sila Jake at Rabiya sa birthday party ng child actress na si Sienna Stevens, at nagpalitan din sila ng comments sa Instagram.

Gayunpaman, wala pa sa kanila ang nagbahagi kung paano sila nagkakilala o kung paano nagsimula ang kanilang pagde-date.

Matatandaang ang huling nakarelasyon ni Jake ay si Chie Filomeno ngunit tila hindi naging maganda ang pagtatapos ng kanilang relasyon.

Samantala, si Rabiya naman ay in a relationship noon sa Kapuso actor na si Jeric Gonzales.

Ayon sa aktor, pareho nilang napagdesisyunan na tapusin ang kanilang relasyon, at siya ay single na ng halos isang taon ngayon.

The post Jake Cuenca umamin na, 'exclusively dating' with Rabiya Mateo appeared first on Bandera.


Jake Cuenca umamin na, ‘exclusively dating’ with Rabiya Mateo Jake Cuenca umamin na, ‘exclusively dating’ with Rabiya Mateo Reviewed by pinoyako on April 02, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close