BREAKING NEWS

DSWD nagbigay tulong sa estudyanteng nagpadala ng sulat kay PBBM

DSWD nagbigay tulong sa estudyanteng nagpadala ng sulat kay PBBM

PINUNTAHAN ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kinaroroonan ng Grade 6 student na si Maureen Delos Santos mula sa Caloco Elementary School.

Ito ay may kaugnayan sa kanyang sulat na ipinadala kay Pangulong Bongbong Marcos para iparating ang sitwasyon ng kanyang kapatid na naabuso.

Base sa Facebook post ni DSWD Sec. Rex Gatchalian nitong Miyerkules, April 1, magbibigay ng tulong ang ahensya kay Maureen pati na rin sa mga kasama nito sa bahay ayon na rin sa utos ng pangulo.

"Tutulungan natin siya at ang kanyang mga kasama sa shelter sa pamamagitan ng psycho-emotional counselling mula sa ating mga social workers," saad ni Gatchalian.

Baka Bet Mo: PBBM 'very angry' sa laman ng sulat ng Grade 6 student tungkol sa rape

Dagdag pa ng kalihim ng DSWD, "Magkakaloob din ng tulong pinansyal para sa kanilang mga pamilya upang maayos ang kanilang kabuhayan."

Bukod dito, tutulong din umano ang mga social workers para sa kaibigan ni Maureen na naging biktima ng karahasan upang makapagsampa ng kaso.

"Lahat ng assistance para sa kanilang shelter na tinutuluyan ay gagawin din," pangako pa ng DSWD secretary.

The post DSWD nagbigay tulong sa estudyanteng nagpadala ng sulat kay PBBM appeared first on Bandera.


DSWD nagbigay tulong sa estudyanteng nagpadala ng sulat kay PBBM DSWD nagbigay tulong sa estudyanteng nagpadala ng sulat kay PBBM Reviewed by pinoyako on April 02, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close