Robin Padilla nag-share ng chain message tungkol sa Meta privacy, binatikos

INULAN ng batikos ang actor-politician na si Robin Padilla matapos siyang magbahagi ng chain message patungkol sa umano'y Meta privacy hoax sa kanyang Facebook page.
Nitong Huwebes, April 2, makikita sa page ng senador ang chain message na kumakalat ngayon sa Facebook na: "Facebook Meta is now a public entity. Every member must post a note like this. If you do not publish a statement at least once, it will be technically understood that you are allowing the use of your photos, as well as the information contained in your profile status updates.
"I HEREBY DECLARE THAT I DO NOT GIVE MY PERMISSION FOR FACEBOOK OR META TO USE ANY OF MY PERSONAL DATA. Hold your finger anywhere in this message and 'copy' will appear. Click 'copy'. Then go to your page, create a new post, and place your finger anywhere in the empty field. 'Paste' will appear, and click paste," pagbabahagi ni Robin.
Agad namang nag-viral ang naturang post ng senador at umani ng samu't-saring komento mula sa netizens.
Baka Bet Mo: Robin Padilla rumesbak sa bashers, ipinagtanggol paayuda ni Bong Go
"Imagine senador na yan tapos di man lang marunong mag-fact check knowing malaki ang following. Robin anu na? Mapapailing ka na lang talaga," saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, "To think na siya ang number 1 senator sa nagdaang eleksyon."
"Robin Padilla never fails to continue in disappointing us," sey naman ng isa.
Sa ngayon ay burado na ang naturang post sa kanyang page.
Pero makikita na nagpahaging ito sa kanyang pagbabahagi ng maling impormasyon tungkol sa Meta.
"Mag-trending ka sa panglalait kapag pinakalat ito," saad ni Robin.
Samantala, nilinaw ng Meta na hindi ibinebenta ang personal na datos ng publiko dahil ginagamit lamang nila ito para makapagbigay ng mas angkop na karanasan sa kanilang mga user. Tiniyak din ng kumpanya na kumukuha lamang sila ng mga pampublikong datos mula sa internet para bumuo ng kanilang mga artificial intelligence model.
The post Robin Padilla nag-share ng chain message tungkol sa Meta privacy, binatikos appeared first on Bandera.

No comments: