BREAKING NEWS

Lara Quigaman nagbalik-loob sa Diyos matapos iwan ang abusadong ex-partner

Lara Quigaman nagbalik-loob sa Diyos matapos iwan ang abusadong ex-partner
PHOTO: Instagram/@laraquigaman

ISANG matinding pagsubok ang dinaanan ni Lara Quigaman bago niya natagpuan ang tunay na pag-ibig kay Marco Alcaraz.

Bago pa man maging masaya ang kanyang lovelife, first time inamin ng 2005 Miss International winner na nagkaroon siya ng isang abusadong relasyon at ito ay ibinahagi niya sa panayam niya kay Karen Davila para sa isang Easter Week special.

"During that time, I met someone. I was in the wrong relationship. I drifted far away from God," pag-amin ng beauty queen.

"On the outside, I was happy, successful… and yet, my heart was very far away from God," sey pa niya.

Baka Bet Mo: Lara Quigaman ilang buwan nang sumasailalim sa medical tests, anyare?

Hindi man niya pinangalanan ang dating partner, tumagal daw umano ng tatlong taon ang relasyon na nauwi sa physical at emotional abuse.

"There were times I would go to taping, but then I'd go back there. I was so trapped. I felt like there was no way for me to escape. I felt the Lord wouldn't forgive me because of all my sins. I felt super lost, no hope. I felt that the only way I could escape the relationship was if the guy would die," emosyonal niyang pahayag.

Lumaki man sa isang Christian household, itinago ni Lara ang kanyang pinagdadaanan hanggang sa dumating ang kanyang ina na tila ipinadala umano ng Diyos para iligtas siya.

"One day, my mom… flew [in] for some reason. I don't know who told her or how she found out. She said, 'I'm going to help you,'" pag-alala ng aktres.

Giit ni Lara, "God used my mom to help me."

Dito nagsimula ang kanyang unti-unting paghilom, isang proseso na hindi naging madali kahit pa dumating na sa kanyang buhay si Marco noong 2009.

Nagpakasal ang dalawa noong 2011 at sinundan ito ng Christian ceremony sa Tagaytay noong 2012. 

Ngayon, masaya na silang bumuo ng pamilya at naninirahan na sa Canada mula 2023, kung saan nagtatrabaho si Lara bilang preschool teacher.

Ikinumpara ni Lara ang asawa sa kanyang nakaraan na malayo, mas maunawain, at hindi siya iniwan sa kabila ng kanyang pinagdadaanan.

"He really is my answered prayer," wika ni Lara.

Patuloy niya, "Coming from a relationship that was not okay, I was really hard on him…But he never left me."

Pero aminado ang beauty queen na hindi agad nawala ang sugat ng nakaraan.

"It took a while to recover. Even now, there are times that I still feel very guilty about it," saad niya.

"Until I fully surrendered my life to Jesus… I had to preach to myself that God already took away my shame. He's already taken away my guilt," saad niya.

Sa huli, isang bagay ang malinaw para kay Lara, ang pagbabalik niya sa Diyos ang naging sandigan niya para makabangon muli.

"I don't have anything else to say except that only Jesus helped me," aniya habang naiiyak.

The post Lara Quigaman nagbalik-loob sa Diyos matapos iwan ang abusadong ex-partner appeared first on Bandera.


Lara Quigaman nagbalik-loob sa Diyos matapos iwan ang abusadong ex-partner Lara Quigaman nagbalik-loob sa Diyos matapos iwan ang abusadong ex-partner Reviewed by pinoyako on April 03, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close