375 gasolinahan ‘closed’ pa rin dahil sa krisis sa langis –PNP

NANATILING sarado ang nasa 375 gasolinahan sa bansa dahil sa krisis sa langis dulot ng patuloy na tensyon sa Middle East.
Ito ay ayon mismo sa ulat ng Philippine National Police (PNP) nitong Huwebes, April 2, sa gitna ng patuloy na pagbabantay sa sitwasyon sa langis.
Magugunitang naka-full alert status ang kapulisan simula March 31, na may mahigit 98,000 personnel na naka-deploy ngayong Semana Santa at summer vacation.
"As of April 2, 2026, out of 14,519 gas stations, 375 remain temporarily closed due to non-delivery of petroleum products," sey ng PNP sa kanilang pahayag na iniulat ng INQUIRER.
Baka Bet Mo: Presyo ng Diesel posibleng sumirit ng P170/liter sa April 7; gas taas-presyo rin
Dagdag pa, "Some stations have reopened after restocking, while the PNP remains vigilant against profiteering, hoarding, and other unlawful activities. Nine cases have been filed, with others under case build-up across various regions."
Samantala, sinabi ni PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na patuloy ang koordinasyon ng PNP sa Department of Energy (DOE) at Municipal Price Coordinating Council para masiguro ang matatag na suplay ng gasolina at maiwasan ang abala sa publiko.
"We also remind business owners to comply with the law and not to hoard or overprice fuel. Ang hindi pagsunod sa batas ay may kaakibat na pananagutan," wika ni Nartatez.
Hinikayat din niya ang publiko na i-report ang anumang ilegal o unethical na gawain kaugnay sa suplay at presyo ng gasolina sa pinakamalapit na istasyon ng pulis.
Pwede raw magsumbong at tumawag sa unified 911 o gamitin ang opisyal na PNP hotline.
Kasabay nito, patuloy ang pagtaas ng presyo ng langis at kakulangan sa suplay sa bansa dulot ng patuloy na tensyon sa Middle East.
Nagsimula ang giyera noong huling bahagi ng Pebrero matapos atakihin ng US at Israel ang Iran, kasunod ng taon ng hidwaan tungkol sa nuclear program at impluwensya ng Tehran sa rehiyon.
The post 375 gasolinahan 'closed' pa rin dahil sa krisis sa langis –PNP appeared first on Bandera.

No comments: