Bea Borres tinalakan ng netizens sa recent food vlog, bastos nga ba?

INULAN ng pambabatikos ang social media personality na si Bea Borres dahil sa kanyang recent vlog sa isang sikat na kainan sa Maynila, ang Fusion Alley.
Base sa kanyang latest vlog ay magiging totoo siya sa ratings at lasa ng pagkain na kanyang titikman sa naturang lugar na matagal na niyang kini-crave.
Pagbabahagi ni Bea, "I'm really looking forward for today because it is my dream kasi di ba I was pregnant and bawal kasi sa street foods and para na rin sa safety ni Baby Hopea. And this is such worth the wait.
"And I'll really really be honest if masarap. Fusion Alley, ano tara?"
Baka Bet Mo: Bea Borres spotted kasama ex-dyowa, may balikan na nga ba?
Ngunit ang masayang food trip sana ay napalitan ng batikos dahil umano sa paraan ng pag-rate ni Bea sa mga pagkain.
Sa unang stop nila ay tahasang sinabi ng new mom na hindi niya gusto ang pagkain sa harap mismo ng nagtitinda.
"I'm sorry. I don't like it. And you know what, my standards for food is very mababa. It's a no for me," saad ni Bea.
Marami ang nag-react at nagsabing tila nawalan ng respeto ang social media personality at maaari naman siyang magkomento sa magandang paraan tungkol sa lasa ng mga pagkain.
Giit pa ng iba, malaki ang epekto nito gayong hanapbuhay ito ng mga nagtitinda sa lugar.
Nag-explain naman si Bea tungkol sa kanyang vlog.
"i recently went to fusion alley and posted a vlog yesterday, but now i'm getting bashed because people are saying i called the food not masarap in front of the vendor.
"from the start of the video, i already said i'd give my honest rating whether it's masarap or not, and honestly i just didn't like it. and now people are bashing me because i said it in front of the vendor… huh??" lahad ni Bea.
Aniya, bagamat naiintindihan niya kung saan nanggagaling ang mga komento ay ibinahagi lamang niya ang kanyang "real experience".
"I get where some of you are coming from, and maybe i could've delivered it more gently, but at the end of the day this is what i do, i share my real experience.
"Not everything will always be positive. i think that's also the reason why i got known, because i share not just the good but also the bad," sey pa ni Bea.
The post Bea Borres tinalakan ng netizens sa recent food vlog, bastos nga ba? appeared first on Bandera.

No comments: