BREAKING NEWS

DOLE: Walang taas-sahod sa buong bansa sa May 1

DOLE: Walang taas-sahod sa buong bansa sa May 1

NILINAW ng Department of Labor and Employment (DOLE) na walang taas-sahod sa buong bansa para sa mga minimum wage earners sa darating na Labor Day sa May 1.

Sa naganap na Kapihan sa Manila Hotel forum sinabi ng undersecretary ng naturang ahensya na nakadepende sa bawat Regional Tripartite Wages and Productivity Boards ang anumang adjustment sa sahod ng mga manggagawa.

"There will be no national wage increase on May 1, unless there is a law enactment," saad ni Undersecretary Benedicto Ernesto Bitonio Jr. 

Dagdag pa niya, "As far as the Department of Labor is concerned, we do not see a national wage increase using our existing institutions."

Baka Bet Mo: Free online courses para sa Filipino Seafarers mula sa DOLE

Ayon pa sa DOLE undersecretary, hanggat walang batas na ipinapasa ang Kongreso para sa isang nationwide mandatory wage hike, ang mga regional board lang ang may awtoridad na magtakda ng karagdagang pasahod sa mga manggagawa.

Matatandaang noong unang bahagi ng March, nanawagan na ang Trade Union Congress of the Philippines para sa isang P200 wage hike.

Ito ay dahil na rin sa epekto sa ekonomiya dahil sa nagaganap na gulo sa Middle East.

Tugon ng DOLE, bagaman naririnig nila ang hinaing ng mga manggagawa, ang anumang petisyon kabilang ang mga base sa krisis tulad ng national energy emergency ay kailangang dumaan sa regular na proseso at schedule ng bawat board.

The post DOLE: Walang taas-sahod sa buong bansa sa May 1 appeared first on Bandera.


DOLE: Walang taas-sahod sa buong bansa sa May 1 DOLE: Walang taas-sahod sa buong bansa sa May 1 Reviewed by pinoyako on April 03, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close