Kathryn Bernardo, Mark Alcala HHWW sa Thailand, hard launch yarn?

MUKHANG totoo at unti-unti nang nagiging mas sweet sa publiko ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo at Mark Alcala matapos makumpirmang magkasama ang dalawa sa Thailand.
At hindi lang basta magkasama dahil muli na namang naresibuhan ang dalawa habang pababa sa escalator ng EmSphere Mall sa Bangkok kasama ang ilang mga kaibigan.
Hindi tulad sa ibang mga larawan na medyo malabo, kitang-kita sa mga larawan na kuha ng isang netizen na magkahawak kamay sina Kathryn at Mark.
Ngiting-ngiti pa nga ang aktres sa isang larawan na indikasyon na nag-e-enjoy silang dalawa sa piling ng isa't-isa.
Baka Bet Mo: Kathryn Bernardo, Mark Alcala naresibuhan, magkasama sa Thailand airport
Dati pa man ay marami nang palihim na kumukuha ng larawan nina Mark at Kathryn sa tuwing pumupunta sila sa isang mall sa Makati City.
Ngunit ngayon ay tila level up na ito at talagang all-out na sa pagiging malapit ang dalawa dahil holding hands na ang peg nila.
Malinaw na bagama't walang direktang kumpirmasyon ay talagang may relasyon sina Kathryn at Mark.
Bukod sa kanilang mga larawang kuha sa escalator sa isang mall, pinaghihinalaang braso ni Mark ang makikita sa video post ng aktres sa Instagram reels nito.
Mabilis ang mga netizens sa pagkuha ng ebidensya dahil sa isang parte ng video ay makikitang may katabi si Kathryn na lalaki na bagamat hindi kita ang mukha ay makikitang nakahawak siya sa braso nito at evident ang bracelet na tumutugma umano sa suot ng alkalde.
The post Kathryn Bernardo, Mark Alcala HHWW sa Thailand, hard launch yarn? appeared first on Bandera.

No comments: