BREAKING NEWS

Robin Padilla umalma sa bashers, ‘in good faith’ pagbabahagi ng chain message

Robin Padilla umalma sa bashers, 'in good faith' pagbabahagi ng chain message
Sen. Robin Padilla

DINIPENSAHAN ni Sen. Robin Padilla ang sarili matapos mag-trending sahil sa kanyang pagbabahagi ng Meta privacy hoax sa kanyang Facebook page.

Umani kasi ng pambabatikos ang senador matapos kuwestiyunin ng netizens ang kanyang pagpa-fact check bago ito magbahagi ng anumang impormasyon sa social media lalo na't may malaki itong following.

Kaya naman agad na nagsalita si Robin ay sinabing ang ynang-unang ipinaglalaban niya ang ang pagbibigay ng proteksyon sa private information ng madla kaya niya itoni-reshare.

"Ang pagbibigay ng proteksyon sa pribadong mga impormasyon ng taongbayan ay ang unang una sa lahat na ating ipinapanukala at ipinaglalaban sapagkat ito ang pinagmumulan ngayon ng pang aabuso sa hindi lamang sa mga matatanda kundi sa mga bata lalo," panimula ng senador.

Baka Bet Mo: Robin Padilla nag-share ng chain message tungkol sa Meta privacy, binatikos

Pagpapatuloy ni Robin, "Ayon sa mga datos ay 80 hanggang sa 86 porciento ng mga tao ngayon ay nabibiktima ng fake news at pinaninwalaan na totoo."

Kasunod nito ay ang kanyang pag-amin na nabiktima siya ng fake news na ibinahagi pa niya sa kanyang accont.

"Ako ay isa na sa mga yun kaninang umaga, 

Akoy nasabik sa nabasa sa isang post ang patungkol sa paano maproteksyonan ang mga sarili sa facebook," lahad ni Robin.

Dagsag pa niya, "Kagyat ko ito nirepost dahil sa aking nabasa ay maging makatotohanan man ito o hindi, malinaw na wala itong masasaktan na tao kundi pang mulat na rin sa kung paano maproteksyonan ang sarili."

Giit ni Robin, madali namang burahin kung hindi ito totoo dahil mas mahalaga sa kanya ang maipamulat sa mga tao na maprotektahan ang kanilang pribadong impormasyon mapa-Facebook man o iba pang social media.

"Ito ang tinatawag na in good faith. Mabuting intensyon. Hindi ito isang political attack kundi pagbibigay ng kamulatan kung hanggang saan ang sukdulan para makapagbigay ng babala sa taongbayan kung paano proteksyonan ang inyong mga personal na information."

Nagpasalamat naman siya sa kaibigang nag-heads up sa kanya tungkol sa isyu at nagpasalamat rin sa iba pang naniwala sa kanya.

"Bagamat wala tayong nasaktan dahil ito ay malinaw na in good faith to help people protect themselves, nakapagmulat tayo sa maling paraan kaya pakibura/ delete na rin ninyo dahil ito ay fake news," pagtatapos pa niya.

The post Robin Padilla umalma sa bashers, 'in good faith' pagbabahagi ng chain message appeared first on Bandera.


Robin Padilla umalma sa bashers, ‘in good faith’ pagbabahagi ng chain message Robin Padilla umalma sa bashers, ‘in good faith’ pagbabahagi ng chain message Reviewed by pinoyako on April 03, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close