BREAKING NEWS

Premyo ng winner sa kilalang reality show hindi pa binabayaran ng network

Premyo ng winner sa kilalang reality show hindi pa binabayaran ng network
Guess, guess who!?

HINDI pa pala kumpleto ang bayad sa isa sa nanalong personalidad mula sa isang reality show na sinalihan niya na ang laging idinadahilan ay hindi pa kumpleto ang pirma ng tseke.

Inaasahan daw ng personalidad ang kanyang premyo dahil may pinaglalaanan na ito na hindi naman binanggit sa aming source kung kanino at saan.

"Hindi binanggit kung saan niya ibibigay ang bayad niya. May pinangakuan daw kasi siya, e, ang tagal na kaya si ____ (personalidad) panay ang tanong kung kailan niya makukuha ang check. 

"'Yung boss na nga ng show ang kausap ng handler niya, e, wala pa rin daw.

"Tanungin ko ulit ah, kasi last December (2025) ko pa siya huling nakausap at wala pa nga 'yung check niya," say ng aming source.

Good thing na may ibang source of income ang personalidad kaya hindi naman siya 'yung tipong nangangailangan, nataon lang na may pagbibigyan siya ng matatanggap sana niyang pera.

"Parang inabonohan niya na 'yung kalahati ng amount na sa pinangakuan niya. Kaya may kulang pa at kaya siya nangungulit na rin kung kailan siya babayaran," kuwento pa ng aming source.

Anu-ano ang projects ngayon ng personalidad, tanong namin, "Mega-waiting. Ha-hahaha! Alam mo naman ang (network)."

Kaya hindi talaga guaranteed na sisikat o dadami ang projects kapag nanalo ka sa isang reality show lalo na kapag isa ka lang sa mga nanalo.  

Pero 'yung winner naman ay ganu'n din, walang project as of this writing.

The post Premyo ng winner sa kilalang reality show hindi pa binabayaran ng network appeared first on Bandera.


Premyo ng winner sa kilalang reality show hindi pa binabayaran ng network Premyo ng winner sa kilalang reality show hindi pa binabayaran ng network Reviewed by pinoyako on April 04, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close