BREAKING NEWS

Langis walang rollback kahit may go signal sa Hormuz, bakit kaya?

Langis walang rollback kahit may go signal sa Hormuz, bakit kaya?
INQUIRER file photo

HINDI pa agad aasahan ang pagbaba ng presyo ng langis sa bansa kahit nangako ang Iran na papayagang makadaan nang ligtas ang mga oil shipment ng Pilipinas sa Strait of Hormuz.

Ayon sa mga source mula sa petroleum industry na iniulat ng INQUIRER, mananatiling mataas ang presyo ng gasolina at diesel sa mga susunod na araw, lalo na't patuloy ang tensyon sa Middle East mula nang sumiklab ang gulo noong February 28.

Ang Strait of Hormuz ay isa sa pinakamahalagang daanan ng langis sa buong mundo at kasalukuyang kontrolado ng Iran. 

Dito dumadaan ang halos lahat ng global crude oil supply, na bukod sa langis ay sakop din ang mga "energy sources" na papunta sa bansa kabilang ang krudo, oil products, at natural gas.

Baka Bet Mo: Dennis Trillo nagulantang sa presyo ng gas: 'P10,000 na pala full tank?!'

Ayon sa Department of Energy (DOE), umaasa ang Pilipinas sa Middle East para sa 98% ng crude oil imports nito. 

Samantala, 97% naman ng inaangkat na produktong petrolyo gaya ng diesel, gasolina, at kerosene ay mula sa Asya na karamihan ay pinoproseso rin mula sa Middle Eastern oil.

Sa kabila nito, wala umanong kapangyarihan ang gobyerno na kontrolin o lagyan ng price cap ang langis dahil sa umiiral na Oil Deregulation Law.

Dagdag pa rito, hindi pa rin sinuspinde ang excise tax sa langis na P10 kada litro para sa gasolina at P6 kada litro para sa diesel.

Posible lamang itong galawin simula April 12 o April 13 sa ilalim ng Republic Act No. 12316, na nagbibigay kapangyarihan kay Pangulong Bongbong Marcos na suspindihin o bawasan ang buwis sa petrolyo.

Magugunitang nakuha ng pamahalaan ang go signal sa pagdaan sa Strait of Hormuz mula sa Iran matapos ang "very productive" phone conversation nina Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro at Iranian Foreign Minister Seyed Abbas Araghchi noong Huwebes, April 2.

Sa pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA), sinabi nito na, "During the call, the Iranian Foreign Minister assured the secretary that Iran will allow the safe, unhindered, and expeditious passage through the Strait of Hormuz of Philippine-flagged vessels, energy sources, and all Filipino seafarers."

The post Langis walang rollback kahit may go signal sa Hormuz, bakit kaya? appeared first on Bandera.


Langis walang rollback kahit may go signal sa Hormuz, bakit kaya? Langis walang rollback kahit may go signal sa Hormuz, bakit kaya? Reviewed by pinoyako on April 04, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close