BREAKING NEWS

Patrick Sugui, Aeriel Garcia ibinandera 2nd baby: Family of four

Patrick Sugui, Aeriel Garcia ibinandera 2nd baby: Family of four

OPISYAL nang family of four ang celebrity couple na sina Patrick Sugui at Aeriel Garcia matapos ipanganak ng huli ang kanilang ikalawang anak na isang baby boy.

Ang masayang balita ay ibinahahi ng mag-asawa sa kanilang Instagram page nitong Biyernes, April 3.

Ipinakilala ni Aeriel ang kanilang ikalawang anak ni Patrick bilang si "baby sanggol."

Kitaxnaman ang saya sa panganay nilang si Olivia sa pagdating ng kanyang baby brother.

Baka Bet Mo: Patrick Sugui tinuldukan na ang pagkaka-link ng misis kay Daniel Padilla

"And then there were four," saad ni Aeriel sa caption.

Samantala, hindi pa naman isinisiwalat nina Patrick at Aeriel ang pangalan at kung kailan eksaktong isinilang ang kanilang baby boy

Dumalaw naman ang mga malalapit nilang kaibigan na sina Gabbi at Khalil Ramos sa ospital para kumustahin ang mag-asawa.

"We love you Sugui's!!! Congratulations!" pagbati ni Gabbi sa mga kaibigan.

Matatandaang ikinasal sina Patrick at Aeriel noong April 2022 at sinalubong ang panganay matapos ang mahigit isang taon.

November 2025 nang inanunsyo naman nila ang ikalawang pagbubuntis ni Aeriel.

The post Patrick Sugui, Aeriel Garcia ibinandera 2nd baby: Family of four appeared first on Bandera.


Patrick Sugui, Aeriel Garcia ibinandera 2nd baby: Family of four Patrick Sugui, Aeriel Garcia ibinandera 2nd baby: Family of four Reviewed by pinoyako on April 04, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close