Manon tuluyan na bang lalayasan ang girl group na Katseye?

Usap-usapan ngayon sa fandom at social media ang tila pamamaalam ni Manon sa girl group na Katseye.
Lumobo ang espekulasyon matapos mapansin ng netizens na tila binura na ng Swiss member ang koneksyon niya sa grupo.
Kamakailan lang, napansin na sa kanyang Instagram profile na wala na ang pangalang Katseye at simpleng "mademoiselle manzanita" na lang ang nakalagay.
Samantala, ang Hybe, na siyang lumikha sa multinational girl group katuwang ang Geffen Records, ay tikom ang bibig sa isyu.
Baka Bet Mo: Sophia ng KATSEYE nakiisa sa laban kontra korapsyon
No comment pa rin ang label, pero nauna na nilang inanunsyo na naka-hiatus si Manon dahil sa isyu sa kalusugan.
Pero ang mas lalong nagpa-init sa tsismis, hindi pa rin malinaw kung sasabak ba ang dalaga sa performance ng grupo sa Coachella Valley Music and Arts Festival sa Empire Polo Club sa California sa darating na April 11.
Since February pa naka-hiatus si Manon at hanggang ngayon, walang malinaw na timeline kung kailan siya babalik.
Dagdag pa sa intriga ang mensaheng ibinahagi ni Manon sa fandom platform na Weverse na lalong pinag-usapan ng fans.
"Thank you so much for all the love and support you've been sending my way," wika niya.
Sey pa niya, "I'm really grateful for the patience and kindness everyone has shown during this time."
"HxG (Hybe x Geffen Records) and I are having positive conversations and I feel supported. I'm happy and I'm healthy. I'll share more soon," aniya pa.
Dahil diyan, hati ang opinyon ng fans, kung saan may nagsasabing simpleng update lang ito, habang ang iba, ramdam daw ang "goodbye vibes" sa kanyang pahayag.
Nauna na ring ibinahagi ni Manon ang hirap na kanilang pinagdaanan bilang grupo mula nang mag-debut ang Katseye noong June 2024, na aniya'y "very terrorizing on the mind."
Sa gitna ng lahat ng ito, tuloy pa rin ang ganap ng Katseye dahil nakatakda silang maglabas ng bagong single na "Pinky Up" sa April 9.
Ang grupo ay nabuo mula sa audition project na "The Debut: Dream Academy," isa sa mga bonggang proyekto ng Hybe sa ilalim ng "multi-home, multi-genre" strategy na pinamumunuan ni Chairman Bang Si-hyuk.
The post Manon tuluyan na bang lalayasan ang girl group na Katseye? appeared first on Bandera.

No comments: