Nikko Natividad binastos, binarag sa ‘Hawak Mo Ang Beat’ collab kay Pitik Queen

VIRAL na ngayon ang bonggang dance collaboration ng aktor na si Nikko Natividad at ng Pitik Queen na si Ian Mark Kamangkang.
Pak na pak ang "Hawak mo ang Beat" dance challenge ni Nikko at ng internet sensation na si Ian Mark na biglang sumikat sa kanyang style sa pagsasayaw na pumipitik ang ulo.
Maraming naaliw at natuwa sa video ng dalawang content creator habang humahataw sa trending na "Gawak mo ang Beat".
Pero may mga nambengga at nambastos din sa aktor at binalikan ang pagkalat ng sex video scandal nito sa socmed kasama ang isang babae.
Narito ang ilan sa mga comments ng netizens sa video na ipinost nina Nikko at Ian sa kanilang social media accounts.
"Frogstyle pag tapos ng sayaw HAHAHA, Baka mafrog style kami. gooo lang nikko. As is nkalimotan namin yung video. HAHAHHA!
"Nikko napanood daw ni sir Ian Mark Kulan Kamangkang Yung viral mo. galing mo daw. bigyan mo naman Ng tatlong pitik sa betlog at dalawang soft na frog style si sir."
"Gwapo talaga ni sir Nikko Seagal Natividad.Nice one sir the more basher you have in your comsec always the more income they give it to you more basher to come sir. importante nd sila maka move on ugali na nila yon."
"Gusto pa pumitik eh kahit fresh pa ng viral hmmmm."
"Tapos naba yung issue nito? Sino may hawak ng video nikko."
"Akala nuong una bakla to bakal pla ang pambato. naka frog style pa what a position."
"Hawak mo ang brief. Record mo ang bold, froggy ang bawat galaw."
Sa gitna ng pangnenega at pang-ookray kay Nikko, nanawagan naman si Ian Mark sa kanyang followers na tigilan na ang pamba-bash kay Nikko.
"Hi everyone, kindness doesn't cost anything. Please be mindful of your comments. One mistake doesn't define a person. Thank you," ang pakiusap ni Pitik Queen sa madlang pipol.
The post Nikko Natividad binastos, binarag sa 'Hawak Mo Ang Beat' collab kay Pitik Queen appeared first on Bandera.

No comments: