Dingdong Dantes sa pagpili kay Marian Rivera bilang asawa: It’s God’s gift!

REGALO mula sa langit at kay Lord kung ituring ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang pagdating ni Marian Rivera sa kanyang buhay.
Feeling ng premyadong aktor at TV host, hindi niya mararating ang estadong kinalalagyan niya ngayon kung wala ang suporta ng Kapuso Primetime Queen.
Aniya, ang kanyang pinakamamahal na wifey at pamilya ang nasa likod ng kanyang tagumpay bukod pa sa ginagawa niyang pagsisipag at dedikasyon sa pagtatrabaho.
"Sa tingin ko, nandito ako dahil pinili kong nandito ako kasama siya. At kung ano man 'yong maging resulta no'n, I think it's a grace from God. It's God's gift," ang pahayag ni Dingdong sa panayam ng "KC After Hours".
Patuloy niya, "Malaking factor 'yung kanyang suporta sa akin, hindi lang professionally but also personally.
"Naintindihan ko 'yong mas malalim na reason of having a spouse, not just as maybe as co-parents but also as a partner in life," dagdag ni Dong.
Turning 12 years na sa darating na December ang married life nina Marian at Dingdong at biniyayan pa nga ng dalawang anak – sina Zia at Sixto Dantes.
Nag-celebrate ang Kapuso royal couple ng kanilang 10th wedding anniversary noong December, 2024 sa pamamagitan ng renewal of vows with their respective families and friends
The post Dingdong Dantes sa pagpili kay Marian Rivera bilang asawa: It's God's gift! appeared first on Bandera.

No comments: