NAIA passenger bistado sa P21.2-M halaga ng shabu

INARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang isang pasahero sa NAIA Terminal 1 sa Pasay City dahil sa bitbit na higit tatlong kilo ng hinihinalang shabu.
Nagmula sa Malaysia ang suspek at naghinala na ang mga awtoridad matapos sumailalim sa x-ray examination ang kanyang backpack.
Nang busisiin ang kanyang backpack, nakita ang ilang nakatagong plastic bags na naglalaman ng 3.12 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng higit P21.2 milyon.
Iniimbestigahan na ang suspek, na posibleng maharap sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165) at Customs Modernization and Tariff Act (RA 10863).
Hindi na binanggit sa ulat ng BOC kung ang suspek ay banyaga o Pilipino.
The post NAIA passenger bistado sa P21.2-M halaga ng shabu appeared first on Bandera.

No comments: