BREAKING NEWS

Kylie Padilla buwis-buhay agad ang training bilang action star sa ‘Firewall’

Kylie Padilla buwis-buhay agad ang training bilang action star sa 'Firewall'
Kylie Padilla

TRAINING pa lang ay buwis-buhay nang mga eksena ang naranasan ng Kapuso actress na si Kylie Padilla para sa bago niyang teleserye.

Hinangaan agad ng netizens ang pasilip na pagsasanay ni Kylie para sa upcoming Kapuso action series na "Task Force: Firewall." 

Yes! Tuluy-tuloy pa rin ang pagiging action star ng aktres na talagang minana niya nang bonggang-bongga sa kanyang amang si Sen. Robin Padilla.

Sa napanood naming video ni Kylie ay makikita nga ang pinagdaraanan niyang matinding training kung saan astig na astig ang kanyang galawan sa mga fight scenes.

Makikita rin sa video ang maangas na pakikipaglaban ng Kapuso star sa ilang kalalakihan gamit ang husay niya sa paghawak ng baril, patalim at pati sa martial arts.

"Prepped for ISA IN FIREWALL by training with @elite.action.design. We made a little movie too. Thanks team!!!" ang mababasa sa caption ng video na ibinahagi ni Kylie sa social media.

Ang co-star naman ni Kylie sa "Task Force: Firewall" na si Jak Roberto, ay sumabak naman sa tactical and practical shooting training.

Nakasama niya rito ang iba pang cast members ng serye tulad nina Miguel Tanfelix, Buboy Villar at Kyline Alcantara.

"Bakit nga ba namin inaaral 'to? Siyempre kailangan maging accurate lahat ang galaw namin sa Firewall, yung paghawak namin sa baril, yung stance, yung form and etc, today magse-self defense training din kami," ang pahayag ni Jak.

Samantala, bukod daw sa military style training, may mga ginagawa pang ibang paghahanda si Kyline para sa bago nilang serye.

"I'm doing a lot of physical things na ginagawa ko rin naman po before, it's just more intense now yeah, in preparation for Firewall," saad ng aktres.

Ayon kay Lexi Gonzales, na kasama rin sa cast ng series, ang tatay daw niya mismo ang nag-train sa kanya sa paghawak ng baril.

The post Kylie Padilla buwis-buhay agad ang training bilang action star sa 'Firewall' appeared first on Bandera.


Kylie Padilla buwis-buhay agad ang training bilang action star sa ‘Firewall’ Kylie Padilla buwis-buhay agad ang training bilang action star sa ‘Firewall’ Reviewed by pinoyako on April 05, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close