BREAKING NEWS

Gerald Anderson: Bata pa lang exposed na ako sa kultura ng Muslim

Gerald Anderson: Bata pa lang ako exposed na ako sa kultura ng Muslim
Gerald Anderson

PINAG-ARALANG mabuti at kinarir ng Kapamilya actor na si Gerald Anderson ang role niya bilang Muslim sa ABS-CBN series na "Blood vs. Duty."

Ibinandera ng hunk actor sa madlang pipol na ibang level naman ang masasaksihan ng manonood sa latest action-packed series nila ni Richard Gutierrez.

Kasama rin sa "Blood vs Duty" ang girlfriend ni Richard na si Barbie Imperial at si Bela Padilla, mula sa direksyon nina FM Reyes, Bjoy Balagtas, at Rico Navarro, with action direction by Erwin Tagle.

"Different kinds of action drama na it's leveled up on all terms, action, storytelling, acting. 

"Yung trabaho ng lahat ng tao leveled up, so yun po yung inaabangan ko na mapanood sana ng mga tao," ang pahayag ni Gerald sa panayam ng media.

Sa kuwento, bibigyang-buhay niya ang karakter ni Jalil Abubakar, isang Muslim na grabe ang pagmamahal at pagpapahalaga sa pamilya at komunidad.

Ngunit ang masaya at tahimik niyang buhay ay biglang magbabago dahil sa isang trahedya kung saan gagawin niya ang lahat para makamit ang hustisya.

Sabi ng aktor, siniguro ng buong production na makatotohan ang bawat eksena nila sa serye, lalo na pagdating sa kanyang karakter.

"Unang-una, may mga naging consultant kami. Sa personal time ko, may mga iba pa akong natanong na Maharlika dito sa Philippines, dito sa Taguig.

"Nakipagkita ako sa kanila just to get more information. Bata pa lang ako, exposed na ako sa kultura ng Muslim, and I've always been fascinated sa Islam," aniya pa.

"Bawat episode nasa dulo kayo ng upuan ninyo. Hindi ninyo alam anong mangyayari. Ang ganda kasi ng bawat karakter,. This is an ensemble cast, kanya-kayang napakagandang kwento" sey pa ni Gerald. 

Kasama rin nina Richard, Bela, Barbie at Gerald sina Baron Geisler, Ejay Falcon, Rommel Padilla, Susan Africa, Bobot Mortiz, Bodjie Pascua, Malou Crisologo, at marami pang iba.

Ang JRB Creative Production ng ABS-CBN ang nasa likod nito sa pangunguna nina Julie Anne R. Benitez at creative head na si Dindo Perez. 

Ang JRB Creative Production ang creator ng Kapamilya serye na "Ang Sa Iyo Ay Akin," "Mars Ravelo's Darna," "Nag-aapoy na Damdamin," at "Sins of the Father."

Nagsimula na ang "Blood vs Duty" sa Netflix last April 3 at sa iWant kahapon, April 4. Mapapanood naman ito sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, at Kapamilya Online Live simula sa Lunes, April 6, 8 p.m..

The post Gerald Anderson: Bata pa lang exposed na ako sa kultura ng Muslim appeared first on Bandera.


Gerald Anderson: Bata pa lang exposed na ako sa kultura ng Muslim Gerald Anderson: Bata pa lang exposed na ako sa kultura ng Muslim Reviewed by pinoyako on April 05, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close