BREAKING NEWS

IWAS-PUTOK: 10 tips para cool at fresh pa rin ngayong tag-init

IWAS-PUTOK: 10 tips para cool at fresh pa rin ngayong tag-init

TAGOS na tagos na sa balat ang nararamdaman nating init kaya naman kailangan tayong mag-ingat sa mga sakit na usung-uso ngayong summer.

Maging aware sa mga karamdaman na maaari n'yong makuha sa tindi ng init dahil napakahirap na talagang magkasakit sa mga panahong ito.

Kaya naman mga ka-BANDERA, nais namin kayong paalalahanan para maginhawa at fresh pa rin ang pakiramdam sa gitna ng sobrang init ng weather.

Ayaw n'yo naman sigurong iwasan at layuan kayo ng inyong mga kapamilya at kaibigan dahil sa hindi kaaya-aya n'yong amoy dulot ng napakainit na panahon.

Narito ang 11 simple but effective tips para iwas-body odor:

1. Besh, iwasan mo munang magbilad sa ilalim ng araw, lalo na sa pagitan ng alas-10 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.

2. Kung lalabas ng bahay, magsuot ng puti o mga light colored na OOTD. Pak na pak this summer ang cotton na damit dahil mas presko ito kesa sa ibang klase ng tela.

3. Don't forget to bring your payong mga beshy lalo na kapag kailangan maglakad under the sun. Pwede rin kayong magsuot ng cap para proteksyon sa tindi ng sikat ng araw.

4. Bigyang proteksyon ang mga mata sa tindi ng sikat ng araw. Magsuot ng shades kapag nasa labas ng bahay.

5. Huwag na huwag ding kalimutang magbaon ng tubig na may yelo para hindi na bumili sa labas. Mainam itong pamatid uhaw sa gitna ng matinding sikat ng araw.

6. Uminom ng walo hanggang 12 baso ng tubig kada araw. Mabuting hydrated ka para presko na, iwas karamdaman pa.

7. Hangga't maaaari ay umiwas sa pag-inom ng kape, soft drinks o alak dahil ito ay isa sa mga dahilan ng dehydration.

8. Uminom ng buko juice at kumain ng pakwan. Parehong alkaline water ang tubig ng buko at pakwan kaya mabuti ito sa iyong katawan.

9. Relax lang sa work dahil mas magiging pawisin ka kung laging stress at panic mode. Sa oras ng break, siguruhing may maiinom na malamig na tubig o kaya ay natural fruit juices.

10. Hangga't maaari, mag-exercise lamang sa umaga kung kailan medyo malamig pa. Hinay-hinay lang din sa workout besh dahil humihina ang katawan ng tao kapag mainit.

The post IWAS-PUTOK: 10 tips para cool at fresh pa rin ngayong tag-init appeared first on Bandera.


IWAS-PUTOK: 10 tips para cool at fresh pa rin ngayong tag-init IWAS-PUTOK: 10 tips para cool at fresh pa rin ngayong tag-init Reviewed by pinoyako on April 05, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close