BREAKING NEWS

Peter Pan star Jeremy Sumpter kilig much sa post ni Emille Joson, bet humalik! 

Peter Pan star Jeremy Sumpter kilig much sa post ni Emille Joson, bet humalik! 
Jeremy Sumpter at Emille Joson

TALAGANG napa-react ang Hollywood heartthrob na si Jeremy Sumpter nang makarating sa kanya ang social media post ng internationally acclaimed filmmaker na si Emille Joson

Sa post ni Direk Emille sa Instagram, makikita ang Peter Pan book na may nakapatong na throwback Instax photo niya sa harap ng Big Ben sa London – nu'ng long hair era pa niya.

Ang mababasa sa caption ng kanyang IG post, "Once upon a long-hair ago, she still has the heart of a child, waiting for Peter Pan Sumpter so she could kiss him." 

In fairness, maraming netizens ang kinilig at agad ni-repost ang post ni Direk, at ang feeling nila ay si Jeremy Sumpter ang tinutukoy niyang "Peter Pan Sumpter".

May ilang bookworms din ang natuwa, dahil alam nilang sa Big Ben umiikot si Peter Pan bago sunduin si Wendy papuntang Neverland.

Sa isang video, hindi napigilan ni Sumpter ang kanyang kilig reaction at agad nag-post sa isa sa mga social media story niya.

Binasa niya ang caption ni Direk at napasabing, "Emille Joson, I saw this post you posted a while ago. Wow, I would love to give you a kiss! One of the most beautiful – adores Peter Pan!" 

Kilig to the max ang mga fans, lalo't tila proud na proud ang aktor sa paghanga ng ating kababayang direktor sa kanya.

Agad namang nakarating kay Direk Emille ang sagot ni Sumpter, at ni-repost niya ito sa kanyang Instagram feed kalakip ang ilang Peter Pan homage. 

Matatagpuan sa ikalawang slide ang video ni Sumpter. Caption niya: "A neverending thimble trade is in full swing! Hello to you too, JS!"

Sa mundo ng Peter Pan, ang salitang "thimble" ay may natatanging kahulugan – ito ay simbolo ng inosenteng halik. Dahil hindi pa ganap na nauunawaan ni Peter ang tunay na konsepto ng pag-ibig, ipinapahayag niya ito sa paraang musmos at mapaglaro.

Nagsimulang mamayagpag ang career ni Sumpter noong 2003 nang ipalabas ng Warner Bros. Pictures ang live-action version ng "Peter Pan". 

Ayon sa mga critics at fandom, mas malapit raw ito sa original na akda ni J.M. Barrie at tinaguriang "perfect casting" – lalo na si Sumpter bilang Peter Pan. 

Kaya naman, ibang level ang magic na iniwan nito kumpara sa iba pang bersyon noon at ngayon.

Pero hindi lang ang pelikula ang naging cult classic, pati na rin ang kaguwapuhan ni Sumpter, na itinuring na isa sa "first-generation crushes" ng mga kababaihang millennials o mas kilala bilang mga '90s kids. 

Sa katunayan, hindi lang si Direk Emille ang A-list celebrity na umaming may crush sa aktor, aba'y maging ang Queen's Gambit star na si Anya Taylor-Joy ay napaamin din sa isang BuzzFeed interview, na sinagot din noon ni Sumpter.

Samantala, si Direk Emille Joson ay patuloy na umaarangkada sa Pilipinas at sa international scene and karera. 

Alam naman nating lahat na nakilala siya noong kasagsagan ng #MeToo movement abroad dahil sa kanyang mapangahas at makabuluhang mga akda tungkol sa isyu ng kababaihan, na tinawag pa ng ilang foreign critics na "ahead of its time." 

Kaya naman, hindi nakapagtatakang mapansin maging sa ilang Hollywood circles ang kanyang mga simpleng social media posts lamang.

Isa rin siya sa mga tinaguriang old money at socialite IT girl na gumulantang sa publiko dahil sa kanyang husay sa pagsusulat at pagdidirek, malayo sa propesyon ng kanyang mga kapatid at ama na negosyante. 

Dahil dito, naging malawak at iba-iba ang kanyang fan base – mula sa kalalakihan, film buffs, hanggang sa mga young fashion enthusiasts. 

Hinahangaan din siya ng gay community dahil sa kanyang palaban at witty na personalidad, na nagsisilbing inspirasyon sa isang komunidad na madalas nahaharap sa diskriminasyon at pangaalipusta. Ayon sa ilan, maituturing siyang "Blair Waldorf 2.0". 

Sa kasalukuyan, abala ang direktor sa kanyang humanitarian efforts sa ilalim ng kanilang family-owned na Alaga Producers Cooperative kasama ang kanyang mga nakatatandang kapatid na namumuno rito. 

Sa kabila ng nakakakilig na interaction na pinag-usapan ng Peter Pan fans sa iba't ibang panig ng mundo, malinaw na hanggang kilig vibes lang ito. 

Kahit malakas ang chemistry ng dalawa, pareho kasing may kani-kanyang buhay ang mga ito – si Sumpter ay masayang may asawa at mga anak na, habang si Direk Emille naman ay nananatiling pribado ang personal na buhay, kahit napapabalitang may dine-date na rin.

Sa huli, isang simpleng social media post lang ang naging tulay sa isang viral at nakakakilig na showbiz moment – patunay na kahit Hollywood star, hindi rin makakalusot sa beauty, husay at charm ng isang Pinay.

The post Peter Pan star Jeremy Sumpter kilig much sa post ni Emille Joson, bet humalik!  appeared first on Bandera.


Peter Pan star Jeremy Sumpter kilig much sa post ni Emille Joson, bet humalik!  Peter Pan star Jeremy Sumpter kilig much sa post ni Emille Joson, bet humalik!  Reviewed by pinoyako on April 05, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close