BREAKING NEWS

Dingdong Dantes sa mga anak: Sobra ‘yung pangamba, lungkot at panic

Dingdong Dantes sa mga anak: Sobra 'yung pangamba, lungkot at panic
Dingdong Dantes, Marian Rivera, Zia at Sixto Dantes

NANGANGAMBA ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes para sa kanyang mga anak dahil sa mga nangyayari sa iba't ibang panig mundo.

Bilang ama, natatakot ang award-winning actor at TV host, hindi lang para sa dalawang anak nila ni Marian Rivera, kundi pati na sa lahat ng kabataan sa buong mundo.

Naiisip daw kasi niya ang sitwasyon na maiiwan sa mga susunod na henerasyon kung magpapatuloy ang kaguluhan, karahasan at korapsyon sa mundo.

"Sobra 'yung pangamba. Pangamba, lungkot, at parang panic," ang pahayag ni Dingdong sa panayam ng "KC After Hours".

"Kung walang malaking pagbabagong mangyayari, e nakakalungkot na ganitong mundo ang mai-inherit nila, ng ating mga anak.

"That's why, siyempre, even as storytellers, as actors, as people in media parang it's good that we show the realities of today through the characters we portray, through the stories that we tell," pagpapatuloy ng mister ni Marian. 

"Pero ang tanong, eh sino ang sasagot sa katotohanang ito na sana ay magbago dahil ayaw natin itong mamana ng ating mga anak sa susunod na henerasyon?" ang saad pa ni Dong.

Pero sa kabila nito, umaasa at patuloy na nananalangin ang Kapuso superstar na darating ang panahon na magbabago pa rin ang  sitwasyon ng lipunan.

Naniniwala pa rin siya na sa next generation ay makakatagpo ang Pilipinas na mga bagong lider na tunay na may kakayahang mamuno sa kabila ng mga pagsubok.

Nooong December, 2025 naglabas ng saloobin si Dingdong hinggil sa tumitindi pang korupsiyon at pagnanakaw sa gobyerno.

"Early this week, while watching the hearings with my wife, as stories of corruption unfolded, we asked ourselves: What kind of future will our children inherit? 

"Will they grow up in a society that values truth, integrity, and compassion, or one that normalizes deceit and greed?" ani Dong. 

The post Dingdong Dantes sa mga anak: Sobra 'yung pangamba, lungkot at panic appeared first on Bandera.


Dingdong Dantes sa mga anak: Sobra ‘yung pangamba, lungkot at panic Dingdong Dantes sa mga anak: Sobra ‘yung pangamba, lungkot at panic Reviewed by pinoyako on April 05, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close