BREAKING NEWS

Gazini Ganados ‘calling’ pagsabak sa Miss Grand International All Stars

Gazini Ganados 'calling' pagsabak sa Miss Grand International All Stars
Gazini Ganados

ITINUTURING ng beauty queen at Sparkle artist na si Gazini Ganados na isang "calling" ang muli niyang pagrampa sa international pageant stage.

Lalaban at magiging representative ng Pilipinas si Gazini sa Miss Grand International (MGI) All Stars, now with a deeper and more personal sense of purpose.

Higit sa isang pagbabalik, ang muling pakikipaglaban ni Gazini sa naturang pageant ay kumakatawan sa "paglago."

Nakilala ang dalaga sa kanyang adbokasiya sa pangangalaga sa matatanda, at ang kanyang misyon ngayon ay lumago kasabay ng kanyang karanasan sa buhay, na humantong sa kanya upang yakapin at palakasin ang kanyang pagkakakilanlan bilang isang Filipina-Palestinian.

Ang personal na katotohanang ito ngayon ay nagpapasigla sa kanyang boses at lakas na umaayon sa global advocacy ng Miss Grand International All Stars — ang paghinto ng digmaan at karahasan.

Si Gazini ang fourth candidate mula sa Pilipinas na makikipaglaban sa inaugural MGI All Stars, na gaganapin sa Thailand starting May 18 to May 30. 

"For me, this is no longer just about competition. This is a calling," ani Gazini. 

After meeting her Palestinian father following her Miss Universe journey, Gazini experienced firsthand how conflict and violence affect families, identities, and generations. 

"This time, I am showing up fully—mentally, physically, and emotionally prepared. I'm not  here just to wear a crown. I'm here to stand for something bigger than myself," aniya pa.

Samantala, sinubukan na rin ni Gazini ang pag-aartista at napasama nga sa "Encantadia Chronicles: Sang'gre" where she plays one of the ancient Kambal‑Diwa. 

The post Gazini Ganados 'calling' pagsabak sa Miss Grand International All Stars appeared first on Bandera.


Gazini Ganados ‘calling’ pagsabak sa Miss Grand International All Stars Gazini Ganados ‘calling’ pagsabak sa Miss Grand International All Stars Reviewed by pinoyako on April 01, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close