BREAKING NEWS

Claire Castro ipagdarasal ‘lahat ng makasalanan’ ngayong Semana Santa

Claire Castro ipagdarasal 'lahat ng makasalanan' ngayong Semana Santa

NAGBIGAY mensahe si Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro para sa mga detractors at patuloy na bumabatikos sa administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos.

Sa naganap na press briefing nitong Martes, March 31, sinabi niyang ngayong Semana Santa ay ipapanalangin niya ang mga "makasalanan" sa mundo.

"Sa atin lang, sa ngayon, sa panahon ngayon ay iwasan po natin sana ang pamumulitika," saad ni Usec. Castro.

Pagpapatuloy niya, "Kung wala po silang masasabing maganda, at kundi paninira lamang, tumigil muna sila—or tumigil na sila permanently, at makipagtulungan na lamang po sa administrasyon para sa ikaaangat ng ating bansa at ikaaangat din po ng bawat Pilipino."

Baka Bet Mo: Imee Marcos inakusahan si PBBM na nagdodroga, Claire Castro rumesbak!

Lahad ni Castro, hindi raw nakakatulong sa ganitong panahon ang mga bashers na may personal na interes.

"Ang basher po ngayon, sinasabi natin, pansariling interes…para po magiba, masira ang gobyerno. Hindi po 'yan napapanahon sa mga kasalukuyang nangyayari sa ating bansa," sey niya.

Dagdag pa ng press officer, nararapat lang na ipagdasal ang lahat ng mga taong makasalanan sa buong mundo.

"Lahat po, lahat ng makakasalanan…lahat ng makasalanan sa mundo [ay dapat na] ipagdasal," sey ni Castro.

Iginiit din niya sa parehong press briefing na hindi pagbabakasyon ang pagpunta ng pangulo sa kanyang probinsya sa Ilocos Norte dahil hindi raw uso rito ang bakasyon.

The post Claire Castro ipagdarasal 'lahat ng makasalanan' ngayong Semana Santa appeared first on Bandera.


Claire Castro ipagdarasal ‘lahat ng makasalanan’ ngayong Semana Santa Claire Castro ipagdarasal ‘lahat ng makasalanan’ ngayong Semana Santa Reviewed by pinoyako on April 01, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close