Zendaya sa viral wedding photos nila ni Tom Holland: ‘Babe, they’re AI!’

NATAWA na may halong pagka-amaze si Zendaya nang makita ang kumalat na wedding photos nila ng longtime partner at Spiderman star na si Tom Holland.
Sa isang panayam kay Jimmy Kimmel kamakailan lang, sinabi ng Hollywood actress: "While I was just out and about in real life, people were like, 'Oh my God, your wedding photos are gorgeous'. And I was like, 'Babe, they're AI. They're not real'."
Hindi man diretsong inamin kung kasal na sila ni Tom, nagbiro naman siya nang tnaungin tungkol sa wedding rumors: "Really? I haven't seen any of them."
At bukod sa fans, ibinunyag ni Zendaya na nalinlang din ang marami sa kanyang mga kaanak at mga kaibigan sa pekeng wedding photos.
Baka Bet Mo: Tom Holland, Zendaya hindi totoong naghiwalay na
Kwento niya, may ilan pa ngang nagalit dahil hindi sila naimbitahan sa supposedly "grand wedding."
<iframe width="560" height="315" src="https://www.youtube.com/embed/2hMXEyplSlQ?si=_lzqJrK1FWznlr1N" title="YouTube video player" frameborder="0" allow="accelerometer; autoplay; clipboard-write; encrypted-media; gyroscope; picture-in-picture; web-share" referrerpolicy="strict-origin-when-cross-origin" allowfullscreen></iframe> Kung nakita niyo ang viral pictures, sa unang tingin ay mukhang totoo talaga ang mga ito.
Nariyan pa nga 'yung ngiting-ngiti ang couple habang suot ang kanilang wedding outfits, na parang nasa Lake Como, Italy ang venue.
May ilang litrato pa na nagpapakita ng ilang celebrity guests tulad nina Robert Downey Jr., Tobey Maguire, Andrew Garfield, at Jake Gyllenhaal.
Ang unang post ng AI-generated wedding photos ay mula sa creator na si AK sa platform na X (dating Twitter).
Samantala, nag-share din sa Instagram si Juan Regueira Rodriguez ng koleksyon ng wedding pics, kabilang ang isang larawan ni Tom na may hawak na Spider-Man mask, na umani ng milyong likes.
Bagaman may caption na nagsasabing ito ay isang "artistic recreation," marami pa rin ang hindi nakapansin sa disclaimer.
<blockquote class="twitter-tweet" data-media-max-width="560"><p lang="en" dir="ltr">Post of an AI-generated Zendaya and Tom Holland wedding crosses 10 million likes on Instagram. <a href="https://t.co/xZ2aW1RR7a">pic.twitter.com/xZ2aW1RR7a</a></p>— Pop Base (@PopBase) <a href="https://twitter.com/PopBase/status/2030424491638313366?ref_src=twsrc%5Etfw">March 7, 2026</a></blockquote> <script async src="https://platform.twitter.com/widgets.js" charset="utf-8"></script> Lalo ring umingay ang chikang kasal na ang dalawa nang magsalita ang stylist ni Zendaya na si Law Roach at sinabi sa Access Hollywood na ang kasal ay "already happened" at hindi raw ito napansin ng media.
Kasunod niyan, naging agaw-pansin sa publiko ang gintong singsing sa kaliwang kamay ng aktres sa naganap na Louis Vuitton show sa Paris Fashion Week.
Kung matatandaan, nagkakilala ang celebrity couple noong 2017 nang magtambal sa "Spider-Man: Homecoming," at muli silang magsasama sa screen sa kanilang ika-apat na superhero film na "Spider-Man: Brand New Day" ngayong taon.
Bukod dito, makikita rin si Zendaya sa pelikulang "Dune 3" kasama si Timothée Chalamet, na ilalabas rin ngayong linggo.
At hindi lang 'yan, magkasama rin ang dalawa sa bagong proyekto ni Christopher Nolan, isang epic na re-telling ng "Homer's The Odyssey."
The post Zendaya sa viral wedding photos nila ni Tom Holland: 'Babe, they're AI!' appeared first on Bandera.

No comments: