BREAKING NEWS

Lella Ford sa paglabas ng pera ni Kathryn para suportahan siya sa PBB: Thank you!

HOW true kaya ang kumakalat na chika na diumano'y nag-effort ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo na bumoto at maglabas ng pera para suportahan ang kapatid ng kanyang ex-dyowa na si Lella Ford sa kanyang "Pinoy Big Brother Celebrity Collab 2.0" journey?

Sa isang panayam kasi sa bunsong kapatid ni Daniel ay nausisa siya kung ano ang kanyang reaksyon sa chika umanong bumoto sa kanya ang aktres para magpakita ng suporta sa naturang reality show.

"Hindi ko po alam if naglabas po si Ate Kath ng pera, thank you so much," pasasalamat ni Lella.

Chika pa niya, hindi raw niya ito alam kung totoo man o hindi.

Baka Bet Mo: Lella Ford sa relasyon nina Kaila at Daniel: She makes my brother happy! 

Nausisa rin si Lella kung mayroon pa rin silang komunikasyon ni Kathryn.

"As of… hindi po, sobrang busy po no'n ni Ate Kath, so hindi pa po kami nakakapag-usap lately," sagot ng dalaga.

Si Kathryn ay ex-girlfriend ni Daniel Padilla na kuya ni Lella na naghiwalay noong November 2023 matapos ang 11 years na pagsasama.

Sa ngayon ay masaya na sa kanya-kanyang buhay ang dalawa at tila nakahanap na ng bagong pag-ibig.

Ang kuya ni Lella ay payapa na sa rumored girlfriend na si Kaila Estrada habang nauugnay naman si Kathryn kay Lucena City Mayor Mark Alcala.

The post Lella Ford sa paglabas ng pera ni Kathryn para suportahan siya sa PBB: Thank you! appeared first on Bandera.


Lella Ford sa paglabas ng pera ni Kathryn para suportahan siya sa PBB: Thank you! Lella Ford sa paglabas ng pera ni Kathryn para suportahan siya sa PBB: Thank you! Reviewed by pinoyako on March 19, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close